RAYMART, CLAUDINE takot na takot daw sa TULFO BROTHERS

Kaya kung anu-anong kadramahan ang ginagawa

Takot na takot daw ngayon si Raymart Santiago para sa kanyang misis na si Claudine Barretto at sa kanilang mga anak.

Meron daw kasing mga sasakyang ikot nang ikot sa tapat ng kanilang bahay, parang meron daw nagmamanman sa kanila, kaya kumuha na sila ng mga bodyguards ngayon.

Hindi naman sa sinasabi naming puro imbento lang ang mga ganu’ng pahayag, pero napakahigpit ng seguridad sa subdibisyong tinitirhan nila, hindi basta-basta nakapapasok du’n ang mga sasakyan nang hindi muna inuusisa ng mga guwardiya sa gate kung saan sila pupunta.

Nakapagtataka naman na pinababayaan palang makapasok du’n ng mga guwardiya ang mga sasakyang mag-iikot lang para manakot?

Para namang ginagawang engot ni Raymart ang mga tagaroon, pati na ang publiko, sa kanyang mga pinagsasasabi.Puwede pang maging kapani-paniwala ang pagkuha nila ng bodyguards kapag lumalabas sila, puwede ang ganu’n, dahil totoo namang delikado ang buhay ngayon.

Pero ‘yung insinwasyon na sa mismong tapat ng bahay nila ay merong mga sasakyang nagmamanman, teka lang muna, hindi kaya nananaginip lang ang mag-asawa at pinaniniwalaan naman nila ang kanilang panaginip?

Ganu’n na ba talaga katindi ang takot na namamayani sa kanilang kalooban ngayon dahil sa naganap na engkuwentro nila nu’ng nakaraang linggo sa airport ni Mr. Ramon Tulfo?

 

Read more...