‘Nagkamali ako,’ sabi ni Jolo Revilla matapos ‘aksidenteng’ mabaril ang sarili
“Nagkamali ako.”
Ito ang pag-amin ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla kahapon matapos na mabaril ang sarili, na ayon sa kanyang abogado na si Raymond Fortun ay isang ‘aksidente.’
“I said ‘How are you,’ and Revilla said, ‘Ito Atty. (Fortun), nagkamali ako e,’” kwento ni Fortun.Inilarawan ni Fortun ang kasalukuyang kondisyon ni Revilla na ““serious yet stable.”
Sa kabila nito, sasailalim si Revilla sa isang operasyon para mapatigil ang pagdurugo sa loob matapos namang mabaril ang itaas na kanang bahagi ng kanyang dibdib.
“Pls Pray for VG Jolo. CT scan results show bleeding inside his chest. A tube will be inserted to drain the blood. His operation will be at 2pm.We need your prayers,” sabi ni Mercado-Revilla.
Samantala, plano ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na humingi ng 24 oras na furlough para mabisita ang kanyang anak sa Asian Hospital.
Sinabi ni Fortun na nakatakdang ihain ngayong araw o bukas ang petisyon para sa furlough. Sinasabing nililinis umano ni Revilla ang kanyang .40 Glock handgun noong Sabado ng umaga nang aksidente itong pumutok.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.