Karylle umamin kay Vice, niloko ng lalaki; Dingdong nadamay

karylle
Dahil sa pangungulit ni Vice Ganda kay Karylle, napilitan itong umamin, totoo raw na may lalaki nang nanloko sa kanya noon.
Sa episode ng It’s Showtime noong Biyernes para sa love advice segment na “AdVice Ganda,” diretsong tinanong ng TV host-comedian si Karylle kung meron nang nanloko sa kanya.

Meron kasing isang babae mula sa audience na nag-share na may ibang babae raw ang boyfriend niya. Bago mag-react si Vice sa issue, tinanong muna niya si Karylle ng, “Nangyari na ba sa iyo ‘yan? Na meron kang boyfriend tapos tinu-time ka? Para totoo ang hugot.

Nangyari na ba ‘yan, na-two-time ka, ‘yung hindi mo alam, may dyowa na?” Naghiyawan ang audience at kitang-kita na biglang nahiya si Karylle, pero nang pilitin ni Vice na sumagot, “Oo, nangyari!” Pero hindi na nagdetalye pa ang singer-actress.

Siyempre, ang inisip agad ng mga tao si Dingdong Dantes ang pinatutungkulan ni Karylle dahil kalat na kalat noon ang isyung ipinagpalit siya ng aktor kay Marian Rivera.

Read more...