Jolo Revilla ‘nagbaril’, isinugod sa ospital

jolo

SAN PEDRO CITY—  Isinugod sa ospital si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla, anak nang nakakulong na Senador Ramon “Bong” Revilla, matapos magtamo ng tama ng bala sa kanang bahagi ng dibdib, ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla.

“He sustained a gun shot that went through his upper right chest. I don’t know how it happened,” ayon kay Remulla sa isang panayam sa telepono.
Ayon sa source dinala si Jolo sa Asian Hospital at nasa maayos nang kundisyon. Dagdag pa ng source, nangyari ang insidente sa bahay ng mga Revilla sa Alabang.
Hindi naman ito kinumpirma ng gobernador at tumanggi rin na magbigay ng karagdagang detalye. Ayon naman kay Clifford Elorde, media officer ng senador, na maglalabas sila ng pahayag hinggil dito.
“The Revillas are asking for prayers for Jolo,” ayon kay Elorde.

Read more...