Solo first place target ng Talk ‘N Text vs Globalport | Bandera

Solo first place target ng Talk ‘N Text vs Globalport

Barry Pascua - March 01, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3 p.m. Globalport vs Talk ‘N Text
5:15 p.m. San Miguel Beer vs Purefoods Star
Team Standings: Meralco (5-2); Talk ‘N Text (5-2); Rain or Shine (5-2); Barako Bull (4-3); Barangay Ginebra (4-3); Globalport (4-3); Purefoods Star (4-3); NLEX (3-4); Kia Carnival (3-5); Alaska Milk (2-4); Blackwater (2-6); San Miguel Beer (1-5)

HANGAD ng Talk ‘N Text na makabawi kontra sa rumaragasang Globalport upang makamit ang solo liderato sa 2015 PBA Commisioner’s Cup mamayang alas-3 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa alas-5:15 ng hapon na main game, nais naman ng defending champion Purefoods Star na wakasan ang three-game losing skid sa pagkikita nila ng naghihingalo ring Philippine Cup titlist San Miguel Beer.

Ang Tropang Texters ay galing sa nakakagulat na 106-103 pagkatalo sa expansion franchise Kia Carnival at kasalukuyang kasosyo sa itaas ng team standings ang Meralco Bolts sa record na 5-2.

Sa kabilang dako, ang Globalport ay galing naman sa back-to-back na panalo kontra sa Barako Bull (99-81) at Blackwater (101-78) at mayroong 4-3 record.

Kapwa nagpalit ng import ang Talk ‘N Text at Globalport. Hinalinhan ni Ivan Johnson ang datihang si Richard Howell sa kampo ng Tropang Texters. Pinauwi naman ng Globalport si CJ Leslie at kinuha si Calvin Warner. Hindi pa sila natatalo mula noon.

Si Talk ‘N Text coach Joseph Uichico ay sumasandig kina Jason Castro, Ranidel de Ocampo, Larry Fonacier, Matt Ganuelas at Kevin Alas.

Pambato naman ni Globalport coach Erick Gonzales sina Terrence Romeo, Stanley Pringle, Dennis Miranda, Ronjay Buenafe at Mark Isip.

Ang Purefoods Star ay nagwagi sa unang apat na laro nito subalit biglang  pumugak. Nalasap ng Hotshots ang kanilang unang kabiguan nang payukuin sila ng Rain or Shine, 78-71, sa Dipolog City noong Pebrero 14.

Kasunod ay natalo sila sa Kia Carnival, 95-84, sa huling laro ni Daniel Orton na dumating na karelyebo ni Marqus Blakely na naghatid sa Purefoods Star sa unang tatlong panalo.

Bagamat nagbalik na ang dating Best Import na si Denzel Bowles ay nagpatuloy ang pagsadsad ng Hotshots nang sila ay talunin ng Barangay Ginebra, 96-87, noong Linggo.

Masama naman ang umpisa ng San Miguel Beer na natalo sa unang apat na laro kung saan ang import nila ay si Ronald Roberts, Jr.

Hinalinhan ng datihang si Arizona Reid si Roberts at naitala nila ang una nilang panalo kontra Meralco, 102-86, sa Cagayan de Oro City dalawang Sabado na ang nakalilipas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Subalit pagbalik sa Maynila ay muli silang sumadsad nang hayaan nilang makabalik sa 21 puntos nilang abante ang NLEX at magwagi, 100-93.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending