Julia Barretto sumubsob ang career sa putikan dahil sa ginawa kay Dennis

julia barretto
Posible. Hindi malayo sa katotohanan ang iniisip ngayon ng ating mga kababayan tungkol sa ginawang pakikipagkasundo ni Julia Barretto sa kanyang amang si Dennis Padilla.

Matagal na sa showbiz si Marjorie Barretto, kahit paano’y marami na itong natutunan sa mundong ginagalawan nilang magkakapatid, hindi naman puwedeng sabihing gimmick lang ang pakikipagkasundo ni Julia sa kanyang ama pero kakikitaan ‘yun ng kakaibang motibo.

Ramdam na ramdam na kasi ang hindi pag-usad ng career ng young actress, dinatnan na siya sa Star Magic ng iba niyang mga kasabayang kabataang artista, pero nilampasan pa siya at kinabog ng mga ito.

Sabi siguro ng mag-ina, sa ayaw at sa gusto nila ay kailangan na nilang makipagkita sa gitna kay Dennis, kung ayaw nilang tuluyan nang malugmok sa kawalan ang mga pangarap ni Julia ay makikipagkasundo na lang sila.

Ayaw ng publiko sa anak na walang respeto sa magulang, lalong-lalo na sa sitwasyon ni Julia, napakabata pa niya para hindi magpakita ng pagpapahalaga sa kanyang ama.

Siguradong naisip nilang mag-ina na ‘yun lang ang ikinaayaw ng mga kababayan natin kay Julia, hindi kasi naintindihan ng publiko ang pagpapatanggal nila sa apelyido ni Dennis sa pangalan ng young actress, kaya sumubsob sa putikan ang inaasintang pangarap ni Julia Barretto.

Sa ginawa niyang pagbabalik-loob sa kanyang tatay, sana nga’y magkaroon ‘yun ng magandang resulta, makahabol na sana sa karera si Julia.

Read more...