Balak umutang sa SSS

AKO po  si Rene Baculi ng Brgy. Balayong, Baun, Batangas at isang OFF. Naghuhulog din po ako ng SSS ko.
Maaari po ba akong makapag salary loan? Naka-40 months na ako na naghuhulog. Magkano naman ang interest?

REPLY: Para sa iyong katanungan G. Baculi:   Kung tuluy-tuloy ang iyong contributions at nakapaghulog ka na ng mahigit sa tatlong taon o 40 months, ikaw ay kwalipikado na para makapag-avail ng  salary loan.

Ngunit depende ito sa iyong contributions.

Kung ikaw ay  nagbabayad ng P300  na contributions  kada buwan, maaari kang makapag loan ng P3,000 para sa unang salary loan.

Para naman sa iyong katanungan tungkol sa interest, maaari mo itong bayaran ng 10% kada taon at babayaran sa loob ng dalawang taon at isasama ito sa monthly amortization

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan, G. Baculi.
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Department
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa jbilog@bandera.ph,  jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...