B-day gift ni Kris kay Kim: Pinakamahal na ticket sa concert ng One Direction

KRIS AQUINO AT KIM CHIU

KRIS AQUINO AT KIM CHIU

BONGGA talagang magregalo si Kris Aquino sa kanyang mga close friends, lalo na sa mga kaibigan niyang celebrities.

Tulad na lang ng super love niyang si Kim Chiu na madalas ding nagiging co-host sa morning show niyang Kris TV. Alam n’yo ba na kahit malayo pa ang kaarawan ni Kim ay binigyan na niya ng early birthday gift ang Kapamilya Princess.

Yes, turning 25 na si Kim sa April 19 at sa Kris TV mismo in-announce ng mommy nina Bimby at Joshua na bibigyan niya ng ticket ang aktres sa concert ng international boy band na One Direction na gaganapin sa SM Mall of Asia Concert Grounds next month.

Hindi man direktang sinabi ni Kris, siguradong ang kinuha niyang ticket para kay Kim ay ang pinakamahal – na nagkakahalaga nga ng P17,950.

“Tabihan mo na lang ang mga pamangkin ko,” chika ni Tetay kay Kim na aminadong super fan ng nasabing British boy band.
“Nakaka-young kasi at saka ‘yung mga kanta nila parang this generation,” ang hirit naman ni Kim nang tanungin kung bakit gustung-gusto niya ang One Direction.

Bukod kay Kim iti-treat din daw niya si Vice Ganda sa concert ng sikat na sikat na international singer na si Ed Sheeran sa darating naman na March 12.

“Ako kay Ed Sheeran. Siya ang type ko. Manonood kami ni Vice. Wala siyang choice, gift ko,” natatawang chika pa ni Kris.

Read more...