Lea, Iza, Bianca, Chris nabwisit din sa trapik

lea salonga
Kahit ang mga sikat na celebrities ay hindi nakaligtas sa nakakabwisit na traffic kahapon dahil sa paggunita sa EDSA Power Revolt.

Ilan sa mga nagpahayag ng kanilang pagkaimbiyerna sa super katrapikan kahapon ay sina Lea Salonga, Iza Calzado, direk Joey Reyes, Bianca Gonzales at Chris Tiu na nagsabi pang kinailangan niyang ikansela ang lahat ng mga lakad niya kahapon nang dahil sa pesteng trapik sa EDSA at sa iba pang bahagi ng Metro Manila.

Say naman ni Lea, “It makes absolutely no sense to spend nearly 3 hours on the road when my destination is less than 20 km away. EDSA, I really hate you.”

Chika naman ni Bianca, “Sa Edsa southbound, pwede magpatintero sa luwag. Sa Edsa northbound, pwede magpark, kumain, at bumalik pa sa sikip. #what #ediwow!”

Read more...