‘Himala pag nagsara ng bunganga si Kris!’

kris aquino
Tuwing umaga ay nasisimulan namin ang pambuena-manong programa ng TV5, ang Aksyon Sa Umaga, na pinangungunahan nina Martin Andanar, Grace Lee at Lourd de Veyra.

Kung ang hanap mong programa ay isang panooring nagpapakatotoo, diretso at walang takot, ang sagot sa inyong paghahanap ay Aksyon Sa Umaga.

Opinyon kung opinyon ang mga anchors, walang halong pagkukunwari ang kanilang mga katwiran, hindi uso sa mga anchors ng Aksyon Sa Umaga ang pagtatago sa ilalim ng carpet na pagbibigay ng kanilang mga saloobin.

Kahapon nang umaga ay si Kris Aquino ang kanilang paksa, nagsabi kasi ang kanyang tiyahing si Ms. Tingting Cojuangco na kapag pumasok sa mundo ng pulitika ang aktres-TV host ay aalis na lang ito ng bansa, magkatunggali ngayon ang kampo ni P-Noy at ng kanyang tiyuhing si Peping Cojuangco.

Hanggang sa mauwi na ang talakayan ng tatlong anchors sa hindi pa rin pag-aasawa ng pangulo, kaya bumitiw si Martin Andanar ng komentong, “Paano makapag-aasawa ang pangulo kung ganyan na palaging nakabantay sa kanya ang mga kapatid niyang babae?

“Palaging nauudlot, palaging walang nangyayari, kasi nga, nakapalibot ang mga sisters niya!” at sa puntong ‘yun ay tahimik lang na nakikinig sina Grace at Lourd.

Naalala tuloy namin ang minsang sinabi ni Lourd sa pinakadulo ng kanyang weather forecast sa Aksyon Prime na palaging inaabangan ng ating mga kababayan, “Ang magsara lang ng kanyang bunganga si Kris Aquino ay isa nang himala!”

Read more...