Bituin Escalante nagpaliwanag sa ‘walkout’ isyu sa ASAP

bituin escalante
Nilinaw ng biriterang si Bituin Escalante ang balitang nag-walkout siya habang nagpe-perform sa anniversary concert ng ASAP 20 last Sunday kasama sina Lani Misalucha, Kyla, Juris, Angeline Quinto at Nina.

Ito’y matapos ngang kumalat sa social media ang video ng kanilang production number kung saan makikitang bigla siyang lumayo sa kanyang mga kasamahan at mag-isang tumayo sa may dulo ng stage sa huling bahagi ng kanilang kanta.

Ang paniwala ng mga nakapanood, nagsolo siya at nag-walkout habang nagpe-perform. Marami ring netizens ang gumawa ng mga nakakatawang memes na kumalat din kahapon sa social media.

Sa kanyang Facebook account idinaan ni Bituin ang kanyang paglilinaw sa naganap na “walkout”. Aniya, ginawa lang niya ang blocking na itinuro sa kanya bago magsimula ang show, “I believe I was the only one who remembered my blocking.”

Dagdag pa ng singer, “In fairness to Lani, she was absent for stage adjustment. No one briefed her. She didn’t even know we were present. There was no malice or any of that at any point of the number.”

Read more...