Piolo tinawag na ‘BAKLA’ ng bastos na bashers, matindi ang naging ganti

piolo pascual
PINATULAN ni Piolo Pascual ang isang basher sa social media. Hindi napigilan ng Kapamilya leading man ang kanyang sarili at talagang niresbakan niya nang bonggang-bongga ang isang Instagram user.

Nagsimula ito nang mag-post ang komedyanang si Pokwang sa kanyang IG account ng isang litrato kung saan kasama niya si PJ at ang anak nitong si Iñigo Pascual.

Nilagyan ito ni Pokey ng caption na: “Dear @iminigopascual maglalayas kaba kapag nalaman mo ang katotohanan na ako talaga ang nanay mo? ask your Dad! @piolo_pascual pero wag kang maingay kasi hindi nya alam ito!!! Hahahhahaa see you tonight anak support ka namin ni daddy mo #CrazyBeautifulYou #showingFeb25 #kathniel!”

Ilang minuto lang ang lumipas ay may nag-comment agad sa nasabing picture na may handle name na @joydagz7252009. Sey nito, “The bakla Piola! Ha-hahajaja!”

Nang mabasa ni Piolo ang malisyosong komento ay agad niya itong ipinaalam kay Pokwang sa pamamagitan din ng isang IG message.

Kasunod nito ang pagsagot ni PJ sa nasabing basher, anang aktor, may nakuha na raw siyang mga impormasyon tungkol sa pagkatao nito kasabay ng pagpo-post nito ng isang photo collage kung saan makikita ang iba’t ibang litrato ng kanyang basher na si @joydagz7252009 – may kasama pang batang babae ang basher.

Nilagyan ito ni Piolo ng caption na: “I hope your daughter (if she is) grows up to be a respectful person.” Pero tila nahimasmasan agad ang aktor sa kanyang ginawa kaya binura rin niya agad ang nasabing photo collage sa kanyang IG account.

Ipinagtanggol din ni Pokwang ang aktor sa laiterang basher, galit na galit ang komedyanang naglitanya sa kanyang IG. Ani Pokey, humingi pa siya ng tulong sa isang kaibigan para matukoy ang tunay na pangalan ng basher at nakilala nga nila ito sa pangalang “Joy Farinas Barciles.”

Litanya ni Pokwang, “Sa mga haters and bashers isip muna bago click ok, lalo kung mabuting tao ang kinakalaban nyo. @piolo_pascual ay napakabait na ama, kapatid at kaibigan.

So sana tigilan nyo na ang ganyang mga gawaing maka impierno sa kapwa! Tandaan lang ang isang salita KARMA!!! Yun na! Lahat ng masamang gawain may balik din yan!”

Pero tila hindi natakot ang babae at inulit pa nito ang malisyosong komento laban kay Piolo. Makalipas ang ilang minuto, sa dami ng natanggap nitong masasamang salita mula sa followers ni PJ, napilitan din ang babae na burahin ang kanyang mga IG posts.

Read more...