Andre Paras walang paki sa mga kadramahan ni Jackie

jackie forster
“No comment tito,” ang simpleng naipaabot ng common friend namin ni Andre Paras sa latest social media pasabog ng mommy niyang si Jackie Forster laban sa kanyang daddy Benjie.

Nauunawaan namin ang bagets na minsan din naming naalagaan at nasubaybayan ang paglaki dahil tila “sila” lang mag-anak ang makakalutas ng kanilang mga isyu lalo pa’t nararamdaman din namin ang pinaghuhugutan ng nanay niya.

Very close kami sa aming kumpare-kaibigang Benjie kaya’t nalulungkot talaga kami kapag may mga ganitong iskandalo sa kanila lalo pa’t meron na rin silang  kani-kanilang buhay at pamilya.

Tila isa itong bangungot na hanggang ngayon ay patuloy na nanggugulo sa buhay nila, that’s why we believe na kailangan nilang magharap at mag-usap ng masinsinan to put an end to all of these.

As for Andre, we always tell him to truly establish himself as a good artist at maging humble lagi at marespeto sa kapwa para mapatunayan niya that he was raised well by his dad.

Sa napapanood naming dedikasyon niya sa pinili niyang craft, eh masasabi ngang anak siya nina Benjie at Jackie.

Read more...