Sweet si GF pero manloloko

MANANG,
Ako po si Darwin, may girlfriend po ako.  Six months pa lang po kami at mahal na mahal ko siya at nung una po ay sweet na sweet po siya sa akin pero di ko namamalayan na may iba pa pala siyang mahal at kaibigan ko pa.  At nung malaman ko na naging sila, sinabi niyang wala na raw sila.  Pero ngayon nagbago na siya hindi na siya sweet sa akin. Tinatanong ko kung mahal niya ako, mahal naman daw pero parang ramdam ko di na niya ako mahal.  Ano po kaya ang maipapayo ninyo sa akin.
Thanks and God bless.
Darwin

Magandang araw, Darwin.
Salamat sa padala mong katanungan. Ako ay magiging prangka na sa iyo.  Sa tingin ko ay malabo ang future sa GF mo na yan. Particularly, how can you trust her kung sa umpisa pa lang ay pinagsabay na kayo ng kaibigan mo?
Sabi mo, tinanong mo s’ya kung mahal ka n’ya, ikaw ba mahal mo talaga s’ya? ‘Yung sweetness hindi naman sapat na basehan para i-keep mo ang isang tao. Be more discriminating.
Baka may tao pang mas bagay sa pagmamahal mo, ‘yung deserving at hindi ka lolokohin. Huwag basta magtiwala. Tandaan, life is too short to waste it with someone who do not appreciate us. I wish you well, Darwin. Good luck!

Payo ng tropa:
Hello Darwin, hindi ka mahal ng GF mo.  Unang-una, kung mahal ka niya bakit nagawa niyang pagsabayin kayo ng kaibigan mo.  Isang mangggagamit lang yang babaeng yan.
Mabuting makipagkalas ka na kaysa mag-invest ka diyan ng emosyon at oras pero sa bandang huli ay lolokohin ka pa rin.  Huwag kang maging tanga, Darwin.
Ferdie via Facebook

Hindi na dapat pinatatagal ang ganyang relasyon.  Wala kasing patutunguhan yan kung sa simula pa lang ay may pangloloko nang ginawa ang isang party.  Isa pa ang pagiging sweet ay hindi matibay na basehan para masabi na mahal ka talaga ng isang tao.  Ang isang friend ay maari ring maging sweet sa iyo pero walang malisya, di ba?
Agnes via Facebook

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...