‘In behalf of Kathniel fans…humihingi po kami ng paumanhin!’ – Min Bernardo

KATRHYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

KATRHYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

SPEAKING of KathNiel, mismong ang mommy na ni Kathryn ang humingi ng sorry kay Vice Ganda matapos magreklamo ang fans sa maikling exposure na ibinigay ng Gandang Gabi Vice sa dalawa noong Linggo.

Ayon kay Mommy Min Bernardo, pasensiya na raw ang GGV at It’s Showtime host sa naging behavior ng mga supporters nina Kath at DJ.

Ayon sa post ni Mommy Min sa kanyang Instagram account, “In behalf of KATHNIEL fans, humihingi po kami ng paumanhin…Salamat po sa pagmamahal sa Kathniel!

“Thank you for guesting KATHNIEL, I think upon watching the uncut version fans will realize why your show aired that much,” dugtong pa ng nanay ni Kathryn.

Kung matatandaan, nabwisit si Vice sa ilang KathNiel fans dahil sa pagrereklamo ng mga ito sa naging exposure ng Kapamilya Teen King & Queen sa GGV, hindi raw sila satisfied sa ginawang interview ng TV host-comdeian sa dalawa kaya kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato ng mga ito kay Vice.

Sey naman ni Vice, “Reading tweets of Kathniel fans. Kalurks! Di na nga nagpasalamat nagalit pa dahil bakit daw ang igsi ng guesting. #HirapNyoIPlease #EDiWow!”

Anyway, knowing Vice, mabilis namang magpatawad ‘yan kaya siguradong habang binabasa n’yo ang balitang ito, maayos na uli ang relasyon ng Phenomenal Box-Office Star sa mga loyal fans nina Kathryn at Daniel.

Read more...