Para sa may kaarawan ngayon: Kahit mahina ang iyong loob alam mo bang marami ang naniniwala sayong kakayahan ngayon na ang panahon para ipakita ang talento. Mas mabilis na palarin sa pinansyal at pag-ibig, kung magsuot lagi ng kulay na green. Mapalad ang 1, 4, 28, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Shari-Gama-Om.” Bukod sa green buenas ang yellow.
Aries – (Marso 21-April 19)—Ipagpatuloy ang pagiging buo ng loob, abot kamay mo na ang tagumpay. Sa pag-ibig ituloy lang ang walang maliw na pagmamahal sa isang Libra. Sa pinansyal, wag titigil hangga’t hindi yumayaman. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 45, at 49. Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Wag hayaan mawala ang minamahal dahil pagiging abala sa trabaho. Maglaan ka ng oras para sa kasuyong Virgo. Sa pinansyal, aahin ang maraming salapi kung masisira naman ang inyong relasyon. Mapalad ang 3, 9, 15, 27, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Darshana-Jehana-Charitana.” Lilac at pink at buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Pagkatapos ng kalungkutan, ligaya naman ang kasunod, at kahit bahagyang nasimot ang salapi, sa susunod na buwan, mas maraming biyaya ang kusa ng darating. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Durga-Om!” Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 34, at 41. Silver at gold ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magsasawalang kibo kana lang. Sa pag-ibig kung inilalabas ang tunay mong damdamin mas magiging maligaya ka. Sa pinansyal, kung magpapakatotoo ka mas madali kang uunlad at yayaman. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yamas-Pranidhana.” Lilac at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Habang umiinit ang panahon, isa-isa ng matutupad ang iyong mga pangarap. Sa pag-ibig ituloy lang ang pakikipag-relasyon sa isang Aries. Mapalad ang 1, 4, 18, 26, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Pink at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Ang nararamdaman mo sa iyong ka-Facebook ay totoo. Gumawa agad ng paraan kung ayaw mong maunahan ng iba. Sa pinansyal, hindi ka liligaya kung lagi mong itinatago at ipinagdadamot ang iyong pera. Mapalad ang 1, 5, 14, 23, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Green at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Bagamat likas sayo ang pagiging maarte, kailangang magamit mo ito sa pagkaka-perehan. Sa pag-ibig, dahil sa taglay mong ka-artehan mahulog ka na naman sa immoral na relasyon. Supilin ang matinding libido ng kamunduhan. Mapalad ang 3, 13, 22, 34, 40 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala.” Red at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Kung hindi masyadong pinapalad sa pinansyal, sa pag-ibig, napakaswerte mo naman, dahil sa kabila ng lahat nasa tabi mo palagi ang kapareha na laging umuunawa at nagmamahal sayo unconditionally. Mahalin mo rin siya at pahalagahan. Mapalad ang 1, 10, 28, 31, 40 at 47. Mahigawa mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Lilac at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Naghahanap ka ng pagbabago? Lumapit at unahin mo sa buhay si Lord. Kapag nagawa mo yan, sa pag-ibig at materyal na bagay, unti-unti ka ng makakaramdam ng ligaya at kaginhawaan. Mapalad ang 8, 17, 25, 30, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum Suryaye Maneh!” Beige at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Mas mangingibabaw ang paghahangad ng salapi at praktikalidad. Kailangang maunawaan ito ng iyong kasuyo upang hindi naman siya magtampo. Ipaliwanag sa kanyang kaya ka nagpapayaman, ay para din sa inyong future. Mapalad ang 4, 17, 18, 28, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Karin-Japa.” Black at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) —Iwasang ang pag -iisip ng negatibo sa halip magtiwala sa sariling kakayahan at sa biyaya ng Dakilang Lumikha. Sa ganyang paraan, sarili mo lang at si Lord ang pinaniniwalaan mo, mas madali ka ng liligaya at uunlad. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-Krishna-Krishna.” Green at yellow ang buenas na kulay.
Pisces – (February 19 – March 20)—Makakaramdam ka ng pagkahabag sa sarili kung bakit ikaw na lang ang laging inaasahan. Talagang ganon ang buhay mabait ka kasi! Laging tandaang sa taong mabait at mapagbigay darating ng kusa ang mas maraming biyaya at tagumpay. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Yoga.” Sivler at orange ang buenas.