SPEAKING of wedding, tiniyak ni Toni sa amin na magaganap ang kasalan nila ni Direk Paul this year.
“Pero uh, kasi right now medyo tambak, loaded lang talaga ako sa trabaho kaya hindi ko pa mabigyan ng definite date. But definitely, this year. Hindi na mapo-postpone,” pahayag niya.
Wala pa rin daw nagaganap na pamamanhikan ang pamilya ni Direk Paul sa kanyang mga magulang. Pero malapit na malapit na ayon pa sa kanya. Ni-reveal naman ni Toni for the first time kung ano ang tipo ng kasal nila ni Direk Paul.
“Ano lang ako, simple lang ako. Ano lang, I just wanted it to be traditional, clean and white, and simple. ‘Yun lang.”
Tinanong namin si Toni kung garden, beach or church wedding ba ang gusto niya, “Ah, syempre kung ako ang masusunod, at ako naman talaga ang masusunod, ‘no. Ha-hahaha! Kasi baka si Mommy Pinty pa ang masunod, ‘di ba? Habang buhay ko siya na ang nasusunod, e. Sana naman sa araw na ‘to ako ang masunod talaga. Gusto ko church,” pagri-reveal pa ni Toni.
Si God naman daw kasi ang naging foundation ng relasyon nila ni Direk Paul. Kaya marapat lang na sa simbahan gawin ang kanilang pag-iisang-dibdib.
As for their principal sponsors, nililista pa lang daw nila ang mga gusto nilang kunin. But definitely, kabilang na ang kasamahan niya sa The Buzz na si Boy Abunda sa wedding entourage, “Si Tito Boy, yes. Hindi ako pwedeng ikasal nang wala si Tito Boy.”
And of course, kahit nagpasabi na si Gary Valenciano na gusto niyang maging wedding singer sa kasal, sinabi naman ni Toni na sure na sa listahan ng principal sponsors ang singer, “Hindi naman (as a wedding singer), kung papalarin kami syempre gusto namin siyang maging godfather.”
Binanggit namin kay Toni kung kukunin ba niyang ninong si former President Erap na malapit sa kanyang ama na si Daddy Carlito, “Tingnan ko pa. Actually, wala pa talagang final list. So, mahirap namang pangunahan ko ‘yung announcement. Gusto ko kasi personal namin silang makausap.”
At heto pa, inalam naming kung sino ang gusto niyang gumawa ng kanyang wedding gown, “Actually, may dream designer talaga ako na bata pa ako. Tsaka tuwing pupunta ako sa mga kasalan, siya ‘yung kinukuha noong bride,” excited na kwento ni Toni. Pero saka na raw niya sasabihin sa amin kung sino dahil baka raw maudlot.
But we made two guesses kay Toni. Sabi namin baka isa kina Renee Salud or Pitoy Moreno. Tumili na lang si Toni at nag-babu.
‘Yun na!