DUROG na durog si Benjie Paras sa latest revelations ni Jackie Forster.
Jackie posted her rants on social media and made kuwento the ordeals she went through when she got pregnant with Benjie as the father.
Ang most painful para sa amin ay ang chika ni Jackie na manganganak na siya kay Kobe noon pero pinasama pa siya ni Benjie sa basketball practice niya where she stayed for three hours. Nakakaiyak din ‘yung eksenang pinalayas siya ng ina ni Benjie. Bumaha ng suporta ang post na ‘yon ni Jackie.
“You can’t feel Jackie’s pain if you aren’t a mom yourself. I feel her pain… kung pabaya naman siyang ina eh di sana hinayaan at kinalimutan na lang niya ang mga anak niya. But the thing is, she’s not like that. She fought hard for her sons (and lost)….sino bang nanay ang gusto na tumanda ang mga anak niya na may galit sa kanya? Sobrang sakit non,” one fan said.
“Naawa naman ako kay Jackie at naintindhan ko din siya. Mahirap din sa sitwasyon nya. Totoo nga na bata pa sya masyado nung time na nabuntis siya, kaya siguro di siya the best that time. Pero kita naman natin pano siya ngayon eh. Sana bgyan ni andre at kobe ng puwang sa puso nila nanay nila at sana mabasa nila ito once and for all mgkaayos na. Napakasakit ng nangyayari sa kanila,” another wailed.
“Swerte pa nga si Benjie at di siya kinasuhan ng nanay ni Jackie. In-love lang talaga si Jackie sa kanya kaya ipinaglaban sya…. pero si Benjie naman, being 25 then and still considered young, hindi rin naalagaan ng tama ang relationship nila,” say naman ng isa na tama naman. Jackie was 15 when she got pregnant, minor pa at puwede nga siyang kasuhan ng madir ng aktres noon.
As we write this, hindi pa naglalabas ng reaction si Benjie sa mga nakakalokang revelations ni Jackie. Let’s wait kung babasagin din niya ang ina ng kanyang mga anak.