Team Lea malakas ang laban sa huling pasabog ng The Voice

lea salnga
Mabuti na lamang at super natuwa kami sa latest results ng The Voice of the Philippines season 2 last Sunday.

Maglalaban-laban na sa darating na weekend ang mga bet namin. Hindi nasayang ang pagdarasal at pag-cast namin ng text votes kina Alyssa ng team Apl, Leah ng team Lea at Renz ng team Bamboo.

Medyo palpak lang kami sa bet naming si Monique na tinalo  ni Jason D (ito rin yung tumalo sa kababayan naming si Jason F) for team Sarah.

Now, kung ang performance na nakita namin at hinangaan kay Leah ang gagawin niya at kung paghuhusayan pa niya sa susunod na laban, malamang na siya na nga ang tanghaling The Voice season 2 champion.

Kaya abangan natin ang magaganap na showdown ng mga natirang finalists this Saturday sa The Voice dahil tiyak na magiging madugo ito. Ha-hahaha!

Read more...