Daniel bantay-sarado sa mall dahil sa nagwawalang fan: Baka kasi mapatay ako!

kathryn bernardo
Hindi namin nabilang kung ilang palapag ang Market! Market! Mall sa Taguig dahil mula sa tuktok hanggang ground floor ay punumpuno ito ng mga tao na nag-aabang kay Daniel Padilla.

Doon kasi ginanap ang Lily’s Peanut Butterrrific Funday Sunday Inter-school event at isa nga sa mga naging special guest sa nasabing event ay si Chef Boy Logro ng GMA 7.

Maganda ang promong ito ng nasabing produkto dahil itinaon nila para sa mga estudyanteng kumukuha ng culinary. Itinuro sa kanila kung paanong gamitin ang peanut butter sa mga favorite nilang lutuin.

Bilang endorser ng Lily’s ay si Daniel ang nagsilbing star of the show, siya ang nangharana sa lahat ng tumatangkilik sa nasabing produkto.

Kitang-kita namin ang pagka-shock ng mga taong humawak ng event dahil talagang natulala sila sa dami ng taong naghihiyawan at nagtutulakan para lang makalapit sa batang aktor habang kumakanta.

First time sigurong humawak ng event ng malaking artista ang nasabing produksiyon kaya pati sila ay nawiwindang (at starstruck) kay Daniel Padilla.

Ang mismong aktor na ang humingi ng dispensa sa entertainment press kung pati sila ay hinigpitan din at higit sa lahat, pinaghintay nang matagal.

Naging mahigpit din ang security sa press people dahil pinaiwan din ang mga bag namin – may isang fan daw kasi ang nagwala during the event.

“Baka kasi mapatay ako. Ha-hahaha! Joke,” sabi ni DJ sa amin. Samantala, sobra-sobra naman ang pasalamat ni Daniel sa lahat ng tumatangkilik sa Lily’s Peanut Butter na ineendorso nilang mag-ina dahil balita niya ay ang lakas nito sa market.

Inanyayahan din ng aktor ang mga dumalo sa nasabing event na panoorin ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo na “Crazy Beautiful You” na showing na bukas.

Ayaw namang mag-expect ni Daniel na malalampasan ng bago nilang pelikula ni Kathryn ang kinita ng “She’s Dating The Gangster”, basta ang maipapangako niya sa mga manonood ay maganda ang pelikula at magugustuhan ng lahat.

Read more...