Naglabas kahapon ng official statement ang kampo ni Diether Ocampo tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nito na may kinalaman sa pera.
Lumabas dito sa BANDERA kamakailan ang tungkol sa pagkakautang diumano ni Diet sa mga talent at production staff na kinuha niya para sa ipinrodyus niyang idependent film.
Ang direktor na si Cris Aquino ang matapang na nag-post sa Facebook ng tungkol sa pagkakautang ni Diet dahil awang-awa na raw siya sa mga taong hindi nabayaran ng Kapamilya actor.
At sa inilabas na pahayag ni Diether, nangako itong hindi niya tatakbuhan ang kanyang obligasyon. Narito ang ilang bahagi ng kanyang official statement: “As the Executive Producer of TANDEM ENTERTAINMENT, I take full responsibility.
There are matters beyond my control that led to this predicament. I will never run away from my responsibilities.” Dagdag pa nito, “We are already arranging a meeting with the staff to discuss and solve the matters at hand.
I treasure the people behind the project and I would not allow them to suffer. I assure the staff that I will give what is due to them.”