Mrs. Lim: Hindi nagda-drugs ang anak ko!

mary ann lim
NAGING emosyonal ang ina ng Kapamilya actor na si Xian Lim nang magsalita ito tungkol sa bagong kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang anak.

Ito’y may kinalaman pa rin sa diumano’y pambabastos ng ka-loveteam ni Kim Chiu sa mga taga-Albay during the celebration of Fiesta Tsinoy Albay kamakailan.

Nagalit ang ilang opisyal ng nasabing lalawigan dahil sa statement ng aktor na, “I did not come here to promote Albay.”
Last Sunday sa The Buzz, nagsalita ang nanay ni Xian na si Mrs. Mary Ann Lim na umaming nasaktan siya sa mga pinagsasabi ng ilang tao laban sa kanyang anak, lalo na ang tungkol sa pagpapalaki niya sa aktor.

“Masakit sa akin. Nu’ng Thursday night, gusto ko makauwi na lang ‘yung anak ko. Nu’ng nalaman ko na doon pala sa articles, mga lumabas sa social media, sinabi ‘yung tungkol sa magulang ni Xian na malamang hindi siya pinalaki ng maayos,” ani Mrs. Lim.

Dugtong pa nito, “Walang sino mang tao ang may karapatan na maghusga sa kapwa. Hindi niya naman kasalanan iyon kasi hindi niya mako-control ang mga pangyayari. Ang importante ‘yung makayanan natin.

“Marami naman tayong pinagdaanan, marami tayong nakayanan. Ang anak ko, hindi niya magagawa ‘yan. Hindi nagda-drugs ang anak ko. Hindi niya magagawa ‘yun kaya narating niya ang kinalalagyan niya ngayon,” aniya.

Read more...