MUKHANG hindi talaga pang-showbiz ang nanalong first Grand Teen Questor sa reality show na Star Circle Quest na si Hero Angeles. Kung hindi pa sa 20th year anniversary celebration ng ASAP ay hindi malalaman na successful siya ngayon sa kanyang painting exhibit sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Kung anu-anong kontrobersiya ang kinasangkutan noon ni Hero kaya bigla siyang nawala sa eksena, huli siyang napanood sa pelikulang “Fighting Chef” ni Ronnie Ricketts taong 2013.
At dahil sa ASAP 20 ay muling nasilayan si Hero Angeles kasama ang iba pang produkto ng SCQ tulad nina Joross Gamboa at Joseph Bitangcol at Kid Grand Questor na si Nash Aguas.
Marami pa rin palang supporters si Hero dahil maraming humiyaw sa kanya nang makita sa MOA Arena noong Linggo.
At dito namin nalaman na noong Pebrero 9 to 13 ay katatapos lang niyang magkaroon ng painting exhibit na may titulong “A Hero Angeles Interlacing Ink Art Exhibit” na ginanap sa CASSalida Theater, MSU-IIT, Iligan City, sa Lanao del Norte.
Bukod dito ay on-going pa rin ang online art gallery niyang Artcetero na ini-launch noong December, 2014 na ang 50% na kita ay ibabahagi ni Hero iCancerVive at From The Bottom Of My Heart foundation.
Sabi ng ilang nanood ng ASAP noong Linggo sa MOA Arena, “Grabe, ang daming fans pa rin ni Hero, at ang guwapo niya ngayon sa long hair look niya.”
Guwapo naman talaga si Hero at mabait, medyo mahirap lang kausap dahil sa taong namamala sa career niya noon.
As of now ay willing pa ring bumalik sa showbiz si Hero kapag may tamang project at sana lang ay may umalalay na sa kanya para maayos na ang takbo ng career niya na ilang beses nang naudlot.