Nakakaloka ang naging rebelasyon ng Superstar na si Nora Aunor sa The Buzz last Sunday.
Ayon kay Ate Guy, totoong nagka-crush siya noon sa kanyang kumare at number one karibal sa showbiz na si Gov. Vilma Santos. Diretso kasi siyang tinanong kasi siya ni Boy Abunda at diretso rin ang naging sagot niya.
“Hindi ko naman ikinahihiya ‘yun. Totoo ‘yun. Mula kasi nu’ng bata ako, idol ko talaga si mare. Talagang fan ako noon. Limang beses ko kung panoorin ang pelikula niya, ‘yung ‘Ging,’ ‘Trudis Liit.’ Talagang tumatakas ako sa bahay noon.
Crush ko (si ate Vi),” kumpisal ng Superstar. Kuwento pa ni Nora, nang magkaroon siya noon ng pagkakataon na makilala at makita nang personal si Ate Vi ay hindi na niya ito pinalampas.
“Nakatira siya sa Hillton noong araw, lukaret ako eh. Bumili ako ng rosas tapos 7 o’clock nandoon ako sa lobby ng Hillton. Wala pa si mare. Dumating siya 4 o’clock.
From seven hanggang four naghintay ako talaga para lang maibigay ‘yung rosas. Pinaakyat naman ako, pero walang nangyari. Umuwi lang ako,” natatawang sey pa ni Nora.
Humirit naman ang isa pang host ng The Buzz na si Kris Aquino na mismong si Ate Vi raw ang nagkuwento sa kanya noon ng tungkol sa pagpapadala ni Ate Guy ng bulaklak.
“Nakwento niya sa akin. Sabi niya, ‘Alam mo binigyan niya ako ng flowers tapos kursunada niya ako,’” chika pa ni Tetay.
Speaking of Ate Vi, magsisimula na silang mag-shooting ni Angel Locsin sa susunod na buwan para sa kanilang pelikula na siyang magiging Mother’s day offering ng Star Cinema.
“We might start end of March,” chika ng actress-politician sa isang interview kasabay ng pagsasabing super excited na siyang makatrabaho ang girlfriend ng kanyang anak na si Luis Manzano.
Sa huling panayam kay Angel, inamin nitong inaatake na siya ng nerbiyos sa paghaharap nila ng nanay ng kanyang BF.
Last Sunday, game na game na nakipag-videoke si Ate Vi kina Alex Gonzaga at Luis sa isang segment ng ASAP 20, “Ginawa ko ‘yon definitely for my ASAP family and for Luis kasi chinallenge niya ako.
But ang pinakaimportante nandito ako sa 20 years ng ASAP,” ani ate Vi.