Resbak sa mga taga-Albay: Hindi kriminal si Xian Lim!

xian lim pa

INISNAB ni Albay Gov. Joey Salceda ang apology ni Xian Lim regarding the pambabastos issue noong nakaraang Chinese New Year celebration sa Bicol. Fine.

But what’s not fine ay ang move ng ilang Bicolanos daw na imbiyernang-imbiyerna kay Xian. How true that they want Xian to be declared persona non grata? Ito kasi ang umiikot na chika ngayon sa social media.

We think that there is so much ado about this persona non-grata thing. For one, why does this not apply to CORRUPT politicians who steal by the millions and sometimes by the billions?

Two, why do people always find it pambabastos kung hindi mabati ang isang tao? Or kung inayawan ang isang bagay na ibinibigay?

We find it VERY IDIOTIC that some people take it against some people kapag hindi tinanggap ang ibinibigay nila. Krimen na ba ngayon ang tumanggi? Kung ayaw ng tao, eh, di huwag ipilit.

No, we’re not taking the side of Xian. We don’t know him from Adam and we’re sure that he doesn’t also know us. What we’re driving at is that kapag inayawan ang binigay ng isang tao dapat ay irespeto iyon.

A person who had the TEMERITY to say no is someone admirable to us. One more thing, ‘wag ipangalandakan ang talent fee na ibinayad n’yo kay Xian.

Hindi naman niya ipinagpilitan ang sarili niya na kunin ninyo. Xian was there to perform. That’s all there is to it. Kung hindi siya nag-perform, ‘yun ang may kaso. Ang dali namang i-ban siya sa future events n’yo.

As it is, mukhang merong isnabero attitude nga itong si Xian but that doesn’t mean he was raised by  his parents the wrong way. Innate na sa kanya ang pang-iisnab kaya wala na tayong magagawa roon.

Read more...