Diana Zubiri engaged na sa model-boyfriend, nag-propose sa Japan

diana zubiri
Very proud na in-announce ni Diana Zubiri na nag-propose na sa kanya ang model boyfriend na si Andy Smith.

Sa kanyang official Instagram account ipinost ng sexy actress ang ilang litrato ng naganap na engagement proposal, kabilang na rito ang kanyang kamay suot ang ibinigay sa kanyang singsing.

Nilagyan pa ito ni Diana ng caption  na hango sa isang kanta ng American boy band na N Sync na “This I Promise You”: “And I will take You in my arms And hold you right where you belong Till the day my life is through This I promise you This I promise you!”

Sa Instagram account naman ni Andy, ipinost din nito ang isang video kung saan mapapanood ang ginawa niyang proposal kay Diana sa kilalang landmark sa Japan, ang Tokyo Sky Tree.

Sey ni Andy, “And I promise to love you for the rest of my life @dianazubiri.”

Read more...