Matapang na sinagot ni Sunshine Cruz ang depensa ni Cesar Montano tungkol sa panibagong kasong isinampa niya sa korte.
“I am a mom and protecting them (mga anak) is my no. 1 priority.
Thank you,” ang mensahe ni Sunshine na ipinost niya sa Instagram. Ito’y matapos ngang idenay ni Buboy ang sinasabing pambabastos ng aktor sa sarili niyang mga anak.
“I filed this complaint to protect my daughters. They deserve to be loved and to be raised properly. Any loving mother would protect and fight for her children to the fullest,” sey ni Sunshine kasabay ng paglilinaw na, “Hindi po ako kumausap ng media o nagsama ng media ng magsasampa kami ng complaint na ito.
Hindi pa nga ako nagpapa-interview about this. It was just me and my lawyer dahil gusto kong korte ang humusga para mapangalagaan at proteksyunan ang kids.”