Sen. Chiz 5 ang gustong maging anak; Heart kumontra: 2 lang ang kaya ko!

heart evangelista
LIMANG anak ang gusto ni Sen. Chiz Escudero pero isa o dalawa lang daw ang keri ni Heart Evangelista.

Ayon sa bagong kasal, hindi pa sila nagkakasundo kung ilang baby ang kaya nilang gawin, pero anila, kung ilan daw ang ibigay sa kanila ng Diyos ay handa silang tanggapin, alagaan at palakihing mabubuting bata.

“She wants one or two (children), I want four or five. We haven’t agreed yet!” sey ni Chiz. Para naman sa kanilang honeymoon, hindi raw muna nila ito maaasikaso dahil meron pa silang mga naka-line up na commitments.

Pero sey ni Chiz, pinaplano nilang mag-honeymoon sa Japan sa darating na March o April.  “Wala pa e, (honeymoon) kailangan muna magtrabaho, eh.

Ganoon naman sa karamihan ng mga nag-aasawa, hindi puwede isantabi ang trabaho nang ganun-ganon lang. “We have the rest of our lives ahead of us and we look forward to (spending time together).

Kasama naman talaga ang trabaho sa buhay ng bawat tao, eh. Kinikilala at tinatanggap namin iyon. We have to work in order to live and to survive,” paliwanag pa ng senador during the Manila reception ng kasal nila ni Heart.

May nagbiro naman kay Sen. Chiz kung papayag siyang mag-artista at makatambal si Heart sa isang acting project, “Magkaiba kami ng mundo. Wala akong balak umarte, wala akong balak pumasok sa mundo ng showbiz.

Siya rin, walang balak pumasok sa mundo ng pulitika. Hayaan na nating magkahiwalay iyon.” Ayon naman sa mag-asawa, baka raw isa o dalawang taon pa ang hintayin nila bago sila bumuo ng pamilya, “We want to enjoy each other first.

Siguro in about a year or two, but not later than that, because I’m getting older already!” Samantala, natanong din si Chiz kung ano ang feeling ngayong asawa na niya si Heart? “Sino ba namang hindi magiging masaya kung mapakasalan mo si Heart Evangelista?”

“It feels good, it feels wonderful. I’m proud… She has been a part of my life, whether officially or unofficially, and I look forward to spending the rest of my life with her. Sana gano’n din siya sa akin,” dugtong pa nito.

Ikinasal ang dalawa noong Feb. 15, sa Balesin Island Club, sa Quezon pero nagkaroon nga ng isang malaking reception dito sa Manila noong Miyerkules.

Hirit pa ni Chiz, “I can’t wait to do the ordinary, nitty-gritty, day-to-day things with you as my wife and me as your husband.
“Just be yourself, your own, sweet self.

Magkaiba kami ng pagpapakita ng pagmamahal at siguro manatili lang  iyon, wala na akong reklamo,” dugtong pa nito.

Read more...