Gary David pumayag magbida sa sitcom ng TV5

gary david
INUUMPISAHAN nang buuin ang cast ng bagong sitcom sa TV5 titled No Harm, No Foul. Nag-confirm na raw for the show ang professional basketball player na si Gary David.

So far, ang name pa lang ni Gary ang kinumpirma ng aming source na kasama sa comedy show. It was easy daw for Gary na tanggapin ang show dahil may pagkakomedyante rin daw talaga siya outside the court.

Inalok din daw ng staff ng No Harm, No Foul ang PBA player at mister ni Danica Sotto na si Marc Pingirs. But sad to say, tinanggihan ni Marc ang offer. Wala naman daw sinabing concrete reason si Marc on why he ditched the offer.

Hindi kaya naisip ni Marc na baka magkaroon ng conflict sa comedy show ng father-in-law niya at tinaguriang Comedy Prince na si Vic Sotto sa GMA 7 ang alok na programa para sa Happy network?

O, baka naman sadyang hindi talaga feel ni Marc ang mag-artista. At the same time, chance naman ng ibang PBA stars na mabigyan ng break sa showbiz.

Malay natin bumongga rin ang career sa showbiz ng PBA stars na mapapabilang sa said sitcom at sila na ang susunod sa batch ng basketball player/comedian na si Benjie Paras. Why not?

Read more...