Laro Ngayon
(Cagayan de Oro City)
5 p.m. San Miguel Beer vs Meralco
ITATAYA ng Meralco ang malinis nitong record kontra reigning Philippine Cup champion San Miguel Beer sa isa na namang Petron-PBA Commissioner’s Cup road game mamayang alas-5 ng hapon sa Xavier Unviersity Gym sa Cagayan de Oro City.
Ang Bolts, na ngayon ay naglalaro ng maayos sa ilalim ni head coach Norman Black, ay siyang tanging koponang hindi pa nakakatikim ng kabiguan sa torneo. Mayroon silang limang sunod na panalo.
Subalit ang Beermen ay hindi naman basta-bastang koponan dahil sa napanalunan nila ang kampeonato ng nakaraang Philippine Cup sa pamamagitan ng 4-3 tagumpay kontra sa laska Milk.
Ang haba ng Finals na iyon marahil ang dahilan kung bakit napagod nang hsto ang Beermen. Iyon ang naging dahilan ng masagwa nilang simula sa kasalukuyang conference kung saan natalo sila sa mga expansion teams na Kia Carnival at Blackwater Elite. Ang ikatlo nilang kabiguan ay kontra sister team Barangay Ginebra.
Subalit tila makakabawi na ang San Miguel Beer dahil sa kanilang huling laro ay muntik na nilang naiposte ang kanilang unang tagumpay kontra sa Alaska Milk noong Miyerkules. At sa 107-100 pagkatalong iyon ay malamang na nagbalik na ang kumpiyansa ng mga bata ni San Miguel Beer coach Leo Austria.
Kaya naman batid ni Black na hindi puwedeng balewalain niya at ng Bolts ang Beermen mamaya at puwede silang sagpangin ng mga ito.
Sa import matchup ay magtutuos sina Josh Davs, ang walang kapaguang import ng Bolts, kontra Ronald Roberts. Jr. na siyang batambatang import ng Beermen.
Si Davis ay susuportahan nina Gary David, Jared Dillinger, Mike Cortez, Reynell Hugnatan at Cliff Hodge.
Makakatunggali nila sina reigning Most Valuable Player June Mar Fajardo, Arwind Santos, Chris Lutz, Chris Ross at Marcio Lassiter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.