IPINAHAYAG na ni Davao City Mayor Rody Duterte na siya’y tatakbo pagkapangulo sa 2016 elections “upang iligtas ang republika.”
Siguradong matatalo niya ang frontrunner ngayon sa mga surveys, si Vice President Jojo Binay, dahil meron nang pagpipilian ang mga botante.
Wala kasing magaling na kandidato laban kay Binay noong hindi pa lumantad si Duterte.
Di gaya ni Binay, malinis ang record ni Duterte sa pamamahala ng siyudad ng Davao.
Walang kasong corruption si Duterte.
Ang maipipintas lang sa kanya, kung ito ay ka-pintasan man, ay ang pag-salvage ng mga pusakal na kriminal sa Davao City .
Pero karamihan ng mga residente ng siyudad ay sinasang-ayunan si Duterte sa kanyang kamay na bakal dahil walang malalaking krimen na nagaganap sa Davao City.
Kapag siya ay naging Pangulo, tiyak na malulutas niya ang problema sa droga sa bansa.
Davao City is practically drug-free.
Kapag ikaw ay magulang na nag-aalala na baka malulong sa ipinagbabawal na gamot ang i-yong mga anak, tiyak na iboboto mo si Duterte.
Umunlad ang Davao City hindi lamang dahil walang krimen, kundi maka-negosyo ang city government.
Walang nangingikil sa mga business establishments na mga kawani ng City Hall.
Isang negosyante na may chain of supermarkets sa buong bansa ang nagsabi sa akin na madali siyang nakakuha ng permit sa Davao City Hall di gaya ng mga ibang lugar kung saan nag-apply sila ng business permit.
“Walang humingi ng pera sa amin sa City Hall,” sabi sa akin ng bilyonaryong Tsinoy.
Sinasabi ni Duterte na wala siyang perang pantustos sa kampanya kapag siya’y tumakbo.
Isa na sa magko-contribute sa kanyang campaign fund ay ang bil-yonaryong Tsinoy at marami pang negosyante na kagaya niya.
Kapag si Duterte ang naging Presidente, walang kawani ng gobyerno na pahihirapan ang mga negosyante na mag-iinvest sa bansa.
Uunlad ang Pilipinas dahil maraming mga foreign investors na papasok.
At kapag maraming foreign investors, mara-ming pabrika ang itatayo at mababawasan na ang unemployment rate.
Kahit saang sulok pumunta si Duterte sa Davao City, siya’y di-nudumog ng mga taong mahihirap.
He’s the local version of Manila Mayor Erap, na dating artista at makamasa.
Si Digong, na palayaw sa kanya ng masa, ay mahal ng taumbayan sa siyudad at ang tingin sa kanya ng mga mahihirap ay superstar.
Kahit na maanghang magsalita si Digong sa mga isyung kontrobersiyal, natutuwa ang taumbayan sa kanya dahil tanda ito ng kanyang pagi-ging sinsero.
Lalaki siyang magsalita, walang paliguy-ligoy.
Ang kanyang radio program ay pinakikinggan ng masa dahil alam nila na lahat ng ma-kabubuti sa taumbayan ay ipinahahayag niya sa programa.
Ang yumaong ama ni Digong ay si Gov. Vicente Duterte noong ang Davao province ay isa pa lang at hindi pa pinaghati-hati (Davao del Norte, Davao del Sur, Compostela Valley at Davao Oriental).
Namana ni Digong ang pagiging tapat sa tungkulin kay Gov. Vicente Duterte dahil ang matanda ay umalis sa serbisyo na isang mahirap.
Alam ng masa ang kanyang katapatan kaya’t matagal din
siyang nanunungkulan bilang mayor ng Davao City .