Vice pinagalitan ng mga bossing sa ABS-CBN dahil sa Vhong-Deniece joke

vice ganda
IDINAAN na lang sa tawa ni Vhong Navarro ang naging pagbibiro ni Vice Ganda sa It’s Showtime sa isang skit nila sa Chinese New Year episode ng kanilang noontime show.

Sa naturang skit ay kunwaring nagbibigay ng predictions si Vice sa mga hosts ng show depende sa kung kailan sila ipinanganak at anong sign nila sa Chinese calendar.

Naging hot topic sa social media ang pakantiyaw na hirit ng magaling na gay comedian kay papa Vhong kaugnay ng pagiging malas nito sa mga “kuneho.”

“Napatunayan natin iyan last year,” kaswal at pasimpleng kantiyaw ni Vice na tinawanan na lang ng ating mahal na kaibigan at ng audience.

Well, sa tindi ng naramdamang trauma ng iskandalong kinasangkutan ni Vhong at ng grupo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee na hanggang ngaon ay dinidinig sa korte, dapat lang talagang idaan na lang sa tawa ni papa Vhong ang lahat.

Pero hindi naman ibig sabihin noon ay madali niya itong makakalimutan lalo pa’t hindi pa kumpleto ang hustisyang nararapat niyang makamit.

Tuwang-tuwa lang kami dahil bukod sa nagiging kaswal na lang ang isyu, masasabi kong ibang klase talaga ang humor ni Vice Ganda.

But how true kaya ang tsismis kapatid na Ervin na diumano’y napagsabihan uli si Vice ng ilang matataas na ehekutibo ng ABS-CBN at ilang production people sa naturang insidente?

Ang tsismis pa, mayroon diumanong supporters sina Deniece at Cedric na agad daw tumawag sa mga opisyal ng MTRCB kaugnay ng naturang episode ng noontime show?

Read more...