Sa ‘di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo ang King of Talk na si Boy Abunda at Willie Revillame sa isang sosyal na mall sa Pasig City. Simula nu’ng umalis si Willie sa ABS-CBN ilang taon na ang nakaraan, ngayon lang muling nagkita’t nagkausap sina Boy at Willie.
Tambay si Willie ng naturang mall and in fact, dito niya ipinatern ang dati niyang mall sa tapat ng ABS-CBN. May bibilhin naman na damit si Kuya Boy sa naturang mall from a designer clothes shop that time.
Doon na nagkakwentuhan ang dalawang TV host. Pagkatapos ay buong pagmamalaki na inimbita raw ni Willie si Kuya Boy na pasyalan ang kanyang hotel sa Tagaytay.
Before this naman, noong panahong hindi pa naka-cancel ang concert ni Ai Ai delas Alas sa Solaire ay nagkita rin daw sina Willie at ang Comedy Queen.
Nabalita kasi na isa si Willie sa hiningan daw ng tulong ni Ai Ai sa pagkakansela ng concert niya sa Solaire. It’s good to know that Willie is beginning to connect again with some Kapamilya stars.
Hindi ba’t bago si Kuya Boy ay napabalita rin na nagpunta ang TV host sa taping ng Banana Split kamakailan.