Zanjoe ipagpapalit na si Bea Alonzo kay Beauty Gonzales

zanjoe marudo
Gabi-gabing wagi sa pagpapakilig ng viewers ang tambalan nina Zanjoe Marudo at Beauty Gonzales sa charming primetime drama series ng ABS-CBN na Dream Dad ngayong unti-unti nang napapalapit sa isa’t isa sina Baste (Zanjoe) at Alex (Beauty).

Patunay dito ang datos mula Kantar Media noong Lunes (Peb. 16), kung kailan pumalo ng national TV rating na 28.6% ang episode ng Dream Dad na nagtatampok sa nakakakilig na “bonding moment” nina Baste at Alex matapos nilang dalawin si Baby (Jana Agoncillo) sa bahay ampunan.

Ang episode ay nagtala ng 12 puntos na kalamangan kumpara sa nakuha ng katapat nitong programa.Bukod sa TV ratings, panalo rin ang tambalang BaLex (Baste at Alex) sa social networking sites tulad ng Twitter kung saan naging nationwide trending topic ang “Jacket o Yakap,” na may kinalaman sa eksena kung saan inalok ni Baste si Alex ng kanyang jacket habang sinasamahan siya nito na magpalipas ng oras.

Napapanood pa rin ang Dream Dad, gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.  Ang tanong ng bayan, hindi kaya sina Zanjoe at Beauty pala ang nakatakda sa tunay na buhay? He-hehehe! Ayaw ni Bea Alonzo ng ganyan.

Feeling naman namin, loyal si Zanjoe kay Bea.

Read more...