Michael, Marion tinukso ng press, palaging magkasama

michael pangilinan
HALOS sumakit ang ulo ni Michael Pangilinan sa kaiisip kung sino ang babaeng edad 30 ang sinasabing nakarelasyon daw niya kamakailan lang.

Single kasi ngayon ang binata at tinutukso siya ng ilang katoto kung hiwalay na sila ng nakarelasyon niyang “cougar”.
Nang banggitin sa kanya ang lugar na tagpuan daw nila ng girl ay natawa si Michael at sabay sabing, “Uy, hindi naman 30 years old ‘yun.

Grabe naman kayo, hindi totoo ‘yun. Twenty five lang ‘yun. Kaya pala hindi ko maisip kung sino ‘yung sinasabi ninyo kasi wala naman akong natatandaang ganu’n,” depensa ng binatang singer.

Nineteen years old lang kasi si Michael at anim na taon ang agwat ng babae sa kanya kaya siguro nasabihang cougar.
Tumatawa ring nakiloko ang manager ni Michael na si katotong Jobert Sucaldito tungkol sa ex-girlfriend niya na siyang itinuturong dahilan kung bakit bigla na lang nawawala ang bagets.

“Di ba anak (tawag kay Michael), panay ang tawag namin, patay lagi ang cellphone mo sabi mo kasi nakatulog ka o kaya lobatt ka (low battery),” ani Jobert sa binata.

“E kasi po nagba-basketball kami, kaya hindi ko naririnig ang ring,” sagot ni Michael. “Anak, basketball sa madaling araw? Ano ‘yun,” hirit ulit ni katotong Jobert.

Nagkatawanan na ang lahat at nakitawa rin si Michael na sa totoo lang, hindi namin nakitaan ng pagka-pikon dahil sinasakyan niya lahat ng biro ng press.

Wala namang ipinagbabawal ang manager niya kung gusto niyang makipagrelasyon, ang tanging hiling lang ni Jobert ay i-priority muna ang career at gawing inspirasyon ang girlfriend.

“Wala naman na akong girlfriend ngayon, three months lang kami. Sabi nga ni Nay Jobert sa akin, babaero raw ako kasi nakailang girlfriends na ako, sabi ko nga, ‘Sige ‘nay, bukas manlalalaki na ako!” tumatawang kuwento ni Michael.

Nakakatuwa si Michael dahil basang-basa mo kaagad at hindi raw siya naglilihim sa manager niya maski na ikagalit pa nito dahil naniniwala ang singer na para maging maayos ang relasyon nila ng katotong Jobert ay wala siyang ililihim.

Samantala, malapit ng i-launch ang Harana Boys sa ASAP 20 na kinabibilangan nina Joseph Marco, Marlo Mortel, Bryan Santos at si Michael nga na ikinagulat namin dahil kumakanta pala ang nabanggit naming mga Kapamilya talents, “Opo, marunong silang kumanta, ang gaganda nga ng boses,” sabi agad ni Michael.

Kaya excited na ang binata dahil pangarap niyang mapabilang sa ASAP  noon pa. Bukod dito ay pinaghahandaan din ng binata ang pinakaunang stage play niyang “Kanser” bilang si Crisostomo Ibarra produced ng Gantimpala Theater Foundation na gaganapin sa AFP Theater kasama si Marion Aunor.

“Sobrang excited po kasi first time ko kaya kailangang pag-aralan ko lahat lalo na ang script kasi tiyak malalalim ang Tagalog saka ang mga kanta purong Tagalog,” anito.

Mukhang hindi naman mahihirapan ang binata dahil tubong-Bulacan naman siya at base rin sa pakikipag-usap namin sa kanya ay kumportable naman siya sa sariling wika.

Nabanggit na kasama niya si Marion Aunor na matagal din niyang makakasama dahil bukod sa stage play ay magsasama sila ng matagal sa Amerika kung saan may 10-city tour sila, hindi kaya sila magkadebelopan?

Kung walang aberya ay sa Hunyo 2015 ang alis nila na produced naman ni Lala Aunor. Samantala, todo ang pasasalamat ni Michael sa lahat ng nanood sa nakaraang show niya sa Teatrino, Greenhills noong Peb. 11, pati na rin sa mga naging special guests niya.

Sa Sabado, Peb. 21 ay lilipad ng Bacolod City si Michael kasama sina Marion Aunor at Ate Gay para sa charity concert na “The King Deserves The Best” para sa Immaculate Conception Parish na ginagawa ngayon sa may Bakyas, Mansilingan Bacolod City.

Read more...