Tinawag na ‘joke’ pagsali ni Pacquiao sa PBA, Purefoods import pinagmulta

manny pacquiao

DAHIL sa kanyang kadaldalan, pinagmulta si Purefoods Star Hotshots import na si Daniel Orton ng Philippine Basketball Association.

Pinagbabayad ng PBA si Orton ng P250,000 matapos nitong daldalan ang PBA referees at ang KIA playing-coach na si Manny Pacquiao.

Ang pagmumulta ay iniutos ni PBA commissioner Chito Salud. Sa isang kalatas, sinabi ni Salud na “Orton issued comments that are disparaging, disrespectful of and offensive to his host league.”
Sinabi umano ni Orton na isang kalokohan ang pagsali ni Pacquiao sa PBA at isang kahihiyan umano sa mga game officials ito.
“This insulting behavior will never be condoned by this league,” ayon kay Salud.

Read more...