Single mom wagi ng P14.4M

ISANG agronomist mula sa South Cotabato ang nanalo ng P14.4 milyong jackpot prize sa bola noong Pebrero 11.

Pumunta na ang nanalo sa Philippine Charity Sweepstakes Office upang kunin ang kanyang napanalunan na gagamitin umano niya upang mapabuti ang kalagayan ng kanyang  pamilya, magulang at mga kapatid.

Ang nanalo ay 30-taong-gulang, wala pang asawa pero mayroong isang anak. Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga lumabas na numerong 10-29-26-17-11-07.

Ang mga numerong ito ay kinuha umano niya sa kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay. Nagkakahalaga ng P40 ang kanyang taya ng manalo.

Bilang pasasalamat sa nakuhang suwerte ay magbibigay din umano siya ng donasyon sa simbahan.

Read more...