NAGPUPUYOS sa galit si Albay Gov. Joey Salceda sa aktor na si Xian Lim sa kabila naman ng paghingi nito ng paumanhin matapos tanggihan na maging endorser ng t-shirt at libro para i-promote ang probinsiya.
“No forgiveness deserved. He insulted Albayanons across generations,” sabi ni Salceda. Ito’y sa kabila naman ng pagsosori ni Lim matapos na ibasura ang alok ni Salceda na siya ang gawing modelo ng souvenir t-shirt at coffee table book na nagpopromote ng Albay.
Sa isang panayam, sinabi ni Salceda na inimbitahan si Lim noong Huwebes para dumalo sa Tsinoy Albay Festival at bilang “usual courtesy,” binigyan siya ng t-shirt at isang coffee table book ngunit tumanggi ang aktor na tanggapin ang mga ito sa pagsasabing “I am not here to promote Albay.”
Humingi na ng paumanhin si Lim sa kanyang Twitter account, sa pagsasabing siya ay “misunderstood.” “I just read an online article about an incident which is deeply upsetting because it doesn’t tell the right story.
In the article I was quoted as saying ‘I am not here to promote Albay’, something I never said or would ever say,” sabi ni Lim.
Kinontra naman ni Salceda ang pahayag ni Lim, sa pagsasabing hindi nagsasabi ng totoo ang aktor.
“All facts are pointing out that he is lying. He was so rude,” giit ni Salceda, kasabay ng pagsasabing hindi tinanggap ni Lim ang kabaitan ng mga Albayanons.
“He refused our hospitality. We are deeply hurt.The mere fact that the coffee table book is titled Warm Albay and the t-shirt (bore the words) Warm Albay should already be obvious that these are typical touristic materials,’’ ayon pa kay Salceda.
Idinagdag ng Salceda na ibinigay ng kanyang chief of staff na si Atty. Caroline Cruz ang Warm Albay t-shirt, ngunit hindi ito tinanggap ng aktor.“Huwag po, ayaw ko po,” ayon pa kay Salceda.
Binigyan na lamang ni Cruz si Lim ng coffee table book ngunit hindi rin ito tinanggap ng aktor. “Huwag po, ayaw ko po,” sabi pa umano ni Lim.
Matapos ang insidente, bigla umanong umalis si Lim at sumakay na ng kanyang kotse habang naghihintay ang marami para magpalitrato sana.
Sa kanyang pahayag sa Twitter, sinabi ni Lim na ayaw niyang isuot ang t-shirt dahil baka magkaroon ng problema sa kanyang clothing endorsement.
“Sorry po, hindi ko maisuot yung t-shirt kasi baka magka-conflict sa clothing endorsement ko. Pasensiya na po,” ayon pa kay Lim. Iginiit naman ni Salceda na hindi naman nila hiniling kay Lim na isuot ang t-shirt.
Ayon pa kay Salceda, binayaran si Lim ng P350,000 bilang talent fee. “Since we paid ABSCBN Starmagic for his services, we expect them to be fair in reporting this hurtful PTCAO incident.
Ordinary PTCAO working staff ang hiniya at ininsulto niya,” ayon pa kay Salceda sa kanyang Facebook. “Liars go somewhere,” sabi pa ni Salceda