Hatol ng bashers: bagong tomboy-serye ni Marian imoral

MARIAN RIVERA

MARIAN RIVERA

EXCITED ang resident writer ng GMA na si Suzette Doctolero about her next project, ang bagong soap opera ni Marian Something.

“A new soap for Marian. This is all about family traditions and values, and yes, it is also about Jade, this beautiful woman who is inlove with another equally wonderful woman. The Richman’s Daughter only at GMA7. Abangan!

“Note on the title: Tentative title pa lang ito. But yeah this is one fun project for moi!”

‘Yan ang chika ni Suzette sa Facebook. Nag-look test na nga si Marianita for her new soap.

Pero okay ba ang reaction ng mga tao sa social media sa bago niyang teleserye? Well, hindi masyado.

“Iba daw? hahaha! Pero ung thought ng story eh pareho lang, tibo naman. Lol!”

“Puro immoral na lang ang alam gawin ng GMA para tangkilin sila ng manonood.”

“Rubbish tomboy serye. Next please!”

‘Yan ang ilang comments na aming nabasa.

“Huwag naman ganun huwag naman niyo e bash sya. Tingnan nalang natin kung ok o patok ba sa masa bago natin husgahan,” say naman ng isang maka-Marian.

Meanwhile, nang nasa Solaire kami for an event ay napag-usapan ang guesting nina Marian and Dingdong sa walang kuwentang show ng social climber na si Tim Yap.

Ang chika sa amin, bakit daw nag-guest pa ang magdyowa sa show ni Tim, eh, wala naman iyong maitutulong to revive their sagging careers.

Halatang-halata raw na wala ng relevance sina Marian at Dingdong, hindi na sila pinag-uusapan. Nawala na ang ningning nila simula nang magpakasal sila. Hindi ba nag-iisip ang mga taong humahawak sa career nila? Ang sinasabi nilang king and queen ng GMA napapanood sa kacheapang show?

Read more...