Horoscope, February 20, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Itigil ang sobrang bait. Sa pag-ibig, alalahanin na ang sobrang kabaitan ay isa na ring katangahan. Mas malaking halaga ang kikitain kung iiwasan ang mga taong nagsasamantala sa iyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Green at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Wag gawing kumplikado ang buhay. Sa pag-ibig, manatili sa iisa at dati nang minahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Leo. Mapalad ang 3, 18, 21, 30, 38, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Red at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Sa pag-ibig, may suwerteng hatid ang isang Virgo kaya wag mo na siyang pakawalan. Sa pinansiyal, iwasang ubusin ang salapi sa pagkain. Mapalad ang 6, 18, 24, 40, 46 at 48. Mahiga mong mantra: “Klan-Kun-Shadi-Om.” Violet at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Unahing kumbinsihin ang mga taong nakapaligid sa iyo, kikita ka ng malaking halaga sa kanila. Sa pag-ibig, laging purihin ang magagandang katangian ng kasuyo upang ma-appreciate niya ang kanyang value. Mapalad ang 5, 8, 14, 19, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Om-Aum.” Gold at beige ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Hindi ka magiging maligaya sa pag-ibig kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Hindi sa pamamagitan ng emosyon ka liligaya kundi sa pamamagitan ng rason at isip. Sa pinansiyal, magkakapera ka habang windang pa rin ang puso. Mapalad ang 7, 16, 28, 37, 43 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor.” Yellow at black ang buenas na kulay.
Leo – (July 23 – August 22)—Disiplinahin ang sarili upang matupad ang pangarap! Kung marami kang bisyo, paano ka uunlad? Panahon na upang magbawas ng mga maling nakaugalian. Sa pag-ibig, sumunod sa mungkahi ng kasuyo upang lalo pang lumawig ang inyong relasyon. Mapalad ang 1, 13, 23, 26, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod- He-Vau-Weh.” Orange at white ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Ang pagkilos nang mabagal ay hindi magdadala ng tagumpay. Laging magmadali upang madali ring magkapera. Sa pag-ibig, kapag nag-init ang kasuyong Libra sunggaban agad. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Viam-Inveniam-Om.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Alalahanin na kung makakaiwas sa sakit malaking halaga ang matitipid. Sa pag-ibig, bigyang proteksyon ang minamahal, palakasin ang immune system sa pamamagitan dagdag pang romansahan. Mapalad ang 3, 6, 15, 30, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Neil-Desperandum-Om.” Maroon at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pag-ibig, tuloy ang pabugso-bugsong relasyon sa isang Aries. Sa pinansiyal, bababa ang graph ng pag-unlad ngunit sa Marso at Abril ay muli kang makakabawi. Mapalad ang, 9, 18, 17, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Shadja-Mi-Dhaivata.” Gray at red ang buenas na kulay.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Tama ang ginagawa mo, umibig ka lang nang umibig at magpakalango sa pagmamahal! Wag pansinin ang iba, ang mas mahalaga ay maligaya ka. Sa pinansiyal, di baleng gumastos basta’t alang-alang sa minamahal. Mapalad ang 6, 19, 28, 35, 43,at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Kebalam.” Pink at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Anuman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Wag mong guluhin ang isip sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa pag-ibig, kapag payapa ang isipan ay mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 4, 13, 27, 31, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Maroon at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Ipagpatuloy ang kabutihang ginagawa. Sa pag-ibig, habang nagpapakatino mas masarap na romansa ang mararanasan. Sa pinansiyal, iwasang bilin ang gusto na hindi naman kailangan. Panahon na upang magtipid. Mapalad ang 2, 16, 22, 29, 42 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Arkaye-Savitre-Garbaye-Om.” Green at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Wag ipilit ang iyong paninindigan! Sa pagiging sobrang idealistic ay hindi ka yayaman. Mas mainam pang isakripisyo ang paninindigan alang-alang sa minamahal. Sa pinansyal, isipin mong ang trabaho ay walang personalan, pera-pera lang. Mapalad ang 7, 28, 37, 40, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Candor-Dat-Viribus-Om.” Magenta at lilac ang buenas.

Read more...