May ka-chatmate na foreigner

Sulat mula kay Sherlyn ng Sto Nino, Lapasan, 

Cagayan de Oro City
Dear Sir Greenfield,
October 13, 1989 ang birthday ko at may chatmate akong foreigner, siya ay isang retired US Army. Sa ngayon ay madadalawang taon na ang aming relasyon at dahil nakaipon na daw siya ng sapat na pera, binabalak niya na raw akong pasyalan dito sa ating bansa para daw magpakasal na kami. Pagkatapos nito ay sa US na raw kami maninirahan. May asawa siya dati pero matagal na daw silang divorce nito kaya wala raw problema kung sakaling papakasalan nya ako. Itatanong ko lang, Sir Greenfield, kung compatible ba kami at kung niloloko lang kanya niya ako. Pero kunsabagay ay marami na rin siyang naipadala sa akin mula nang naging kami kaya umaasa naman ako na totohanin niya ang kanyang pangako. February 1, 1953 ang birthday nya.
Umaasa,
Sherlyn ng Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May napakalinaw at napakahabang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay maliwanag na tanda na makapaga-abroad ka at maaari ngang sa takdang panahong inilaan ng tadhana, sa ibang bansa ka na rin makapanirahan at makapagtatayo ng isang maunlad at masagang pamilya.

Cartomancy:
King of Diamonds, Queen of Hearts at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.) Ang mga baraha ang nagsasabing kung hindi ka masyadong pinalad ngayong panahong dalaga ka ay sigurado namang sa pag-aasawa ay susuwertehin at yayaman ka.

Itutuloy

Read more...