Kim pinatunayang nag-level up na ang love kay Xian Lim

kim chiu
To probably prove Xian Lim’s claim na lume-level up na ang relasyon niya kay Kim Chiu ay nag-post ang dalaga ng sangkatutak na photo na kuha nila during Valentine’s Day.

Buong araw na magkasama ang dalawa at sari-saring ganap ang ginawa nila. They were seen horseback riding, kart racing and sailing boat.

Actually, slide show ang ipinost ni Kim at makikita sa isang photo na maraming balloons at flowers at merong message si Xian na, “Will you be my Valentine?”

“Never thought this could happen all in one day. #thankyou #surprised #latepost have a great night everyone!” caption ni Kim sa slideshow.

Actually, nag-level up na nga ang mga gimik ni Xian kay Kim. If we remember it right, was it last year na nag-surprise visit si Xian sa set ng soap opera ni Kim at meron pa siyang drama na may dala siyang red roses tapos may dalawang guys na may hawak ng cardboard na merong nakalagay na “Will you be my date?”

So, don’t be surprised at all kung in the next days to come ay magsabi na silang magdyowa na sila.

Read more...