2015 Forecast ni Master Hanz Cua (3)

chinese horoscope

Ang pagpasok ng 2015 sa kalendaryo ng Chinese New Year sa Enero 19 ay mahalaga para sa maraming Filipino, may lahi mang Chinese o wala.

Sa kalendaryo ng mga Chinese, ngayon ay Year of the Wooden Sheep.

At upang maging masagana ang pagpasok ng Bagong Taon, mahalaga ang pagkakaroon ng bagong enerhiya para makahikayat ng kasaganaan, ayon sa Philippine Feng Shui Expert na si Master Hanz Cua.

Upang maging masagana ang 2015, ini-rerekomenda ni Master Hanz ang general cleaning at cleansing sa loob at labas ng bahay. Ipinapayo rin niya ang pagtatapon ng mga sirang gamit dahil dinadala umano nito ang tao sa kahirapan.

Dapat ding  isagawa ang paglilinis bago ang New Year, dagdag pa niya. At kapag malinis na, magsindi ng insenso para sa cleansing.Masuwerte rin ang pagsusuot ng pula para sa power at berde para makahikayat ng kayamanan.

Magpagupit din para ma-activate ang Peach Blossom Star of Romance lalo na sa mga single. Maghanda rin sa media noche gaya ng karne, isda, gulay, prutas at mga cake para sa good luck.

Mas maganda kung merong  12 prutas—isa sa bawat buwan ng taon. Suriin din ang bahay upang masiguro na walang leak ang mga tubo ng tubig at electrical system dahil makaaapekto ito sa suwerte sa iyong bahay.

Ang pagbibigay naman ng ampao ay simbolo ng proteksyon at good luck. Ang mga matatandang Chinese ay nagbibigay ng ampao na may lamang pera upang maproteksyunan ang binibigyan nito laban sa mga multo.

At mag-ingay sa araw ng Bagong Taon para maitaboy ang mga masasamang espiritu. At narito ang dagdag pang pampasuwerte para sa iba’t ibang tao.

MONKEY
1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016
Snake ang best friend ng Monkey at ang kaalyado niya ay Dragon at Rat. Kailangan naman niyang umiwas sa Tiger. Magiging maayos ang Year of the Sheep sa mga taong ipinanganak sa taon ng Monkey sa tulong ng mga kaibigan.

Magiging maganda ang panahon para maging matagumpay ang negosyo gaya ng pag-angkat ng mga produkto mula sa ibang bansa. Kailangan naman nilang mag-ingat dahil maaaring mabawasan ang kanilang pera dahil sa mga ahensya ng gobyerno. Hindi rin makabubuti na magbayad upang matakasan ang haharaping problema.

Yaman
Ang wealth luck ng Monkey ay katamtaman ngayong taon. Kailangan nilang umiwas sa mga mapanganib na negosyo kaya mas makabubuti na mag-lagak ng pera sa mga short term investment. Mahahawa ng suwerte sa kasalungat na kasarian.

Trabaho
Promising naman ang career luck ng Monkey ngayong taon. Asahan ang pagganda ng trabaho sa tulong ng opposite sex.

Relasyon
Sa mga single na lalaki, mataas ang tiyansa na magkaroon ng relasyon ngayong taon. Makihalubilo sa iba upang maging matagumpay ang relasyon.

Kalusugan
Ang sobrang trabaho ang magiging dahilan upang mapabayaan niya ang kanyang kalusugan. Dapat pansinin ang mga kinakain at magehersisyo. Kailangan ng sapat na tulog at pahinga upang hindi magkasakit.

Lucky month
Enero at Marso

Unlucky month
Agosto at Oktobre

Lucky color
Berde at pula

Lucky number
18 at 29

ROOSTER
1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017
Ang best friend ng Rooster ay Dragon at ang kanyang mga kakampi ay Ox at Snake. Ang kalaban naman niya ay ang Rabbit.
Hindi magiging maganda ang Year of the Sheep para sa mga taong ipinanganak ng Rooster.

Mayroong mga unlucky star sa kanya at limang yellow misfortune star. Dapat mag-ingat sa mga kaso at mga hindi inaasahang problema. Mapatataas ang suwerte sa pamamagitan ng pagdarasal at pagpunta sa simbahan.

Yaman
Poor ang wealth luck ng Rooster ngayong taon kaya makabubuti mananatiling low profile upang maiwasan ang pagkatalo o pagkalugi.

Trabaho
Ang magandang pagpaplano at estratehiya ay makatutulong upang malagpasan ang mga pagsubok sa trabaho. Mahalaga na paghandaan ang mga malalaking pagbabago sa trabaho at pagkabalam ng ginagawa.

Tiyakin na mayroong sapat na panahon para matapos sa oras ang mga gawain.

Relasyon
Mahina ang Peach Blossom star ng mga Rooster kaya kailangan nila ng extra effort upang mag-karoon ng relasyon.
Ang mga may-asawa naman ay kailangang magkaroon ng panahon sa kapareha.

Kalusugan
Umiwas sa mga agresibong activity o sports para malayo sa aksidente at pagkasu-gat. Maging mahinahon, kumain ng tama at magehersisyo.

Lucky month
Nobyembre at Disyembre

Unlucky month
Hulyo at Agosto

Lucky color
Darkgreen at maroon

Lucky number
8 at 26

DOG
1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018
Ang best friend ng Dog ay Rabbit at ang kaalyado niya ay ang Tiger at Horse. Ang kalaban naman nito ay ang Dragon.
Ang Year of the Sheep ay stable para sa mga taong ipinanganak sa taon ng Dog.

Magdadala ng suwerte at kasaganaan ang Tai yin star. Ang mga babae sa kanyang buhay ay makatutulong ngayong taon.
Mahalaga na pataasin ang interpersonal at public relation skills upang mas madagdagan ang suwerte.

Yaman
Magiging maganda ang taon upang pumasok ang pera kaya buksan ang mga mata sa oportunidad na darating. Huwag maging mapusok dahil malapit ang greedy star na siyang magdadala ng financial losses.

Trabaho
Kailangan namang maging low profile ng Dog upang hindi mawala ang mga darating na oportunidad. Malaki rin ang tiyansa na kilalanin ng boss ang kanyang mga nagawa.

Relasyon
Ang mga may-asawa at dapat na mag-ingat sa extra marital affairs dahil magdadala ito ng malaking problema.Kung single, malaki ang tiyansa na mahanap na ang makakasama habang buhay ngayong taon.

Kalusugan
Hindi naman gaanong maganda ang health luck ngayong taon. Madali siyang magkasakit kaya dapat alagaan ang sarili.
Bantayan ang timbang at pumunta kaagad sa doktor kung mayroong nararamdaman. Makabubuti rin ang pageehersisyo.

Lucky month
Marso at Pebrero

Unlucky month
Hunyo at Hulyo

Lucky color
Gold at pula

Lucky number
29 at 24

BOAR
1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019
Ang Tiger ang best friend ng Boar at ang mga kaalyado naman niya ay Sheep at Rabbit. Kailangan naman niyang umiwas sa Snake.

Malakas ang kanyang business partner luck ngayong taon kaya kilatisin ang mga kaibigan na nag-aalok ng negosyo upang hindi masayang ang oportunidad.

Makihalubilo rin sa mga kaibigan at maghanap ng mga bagong kakilala. Huwag kakalimutang magdasal at magsimba upang mapagibayo ang suwerte.

Yaman
Ngayong taon, ang Boar ay mayroong malakas na wealth luck. Magiging maganda ang taon para sa mga negosyante at self-employed.

Trabaho
Magiging kalaban mo ngayong taon ang mga tsismosa at backstabber. Mabuti na lamang at mayroon kang mga kaibigan na tutulong sa iyo.

Relasyon
Mayroong naghihintay na harmonious relationship ang mga Dog ngayong taon.

Para sa mga nagsasama at magkasintahan, maganda ang taon para magpakasal. Ang mga single naman ay mayroong pagkakataon na makahanap ng kapareha.

Kalusugan
Kailangan ng madalas na ehersisyo ng Dog ngayong taon para siya ay makapagbaba ng timbang.
Pero hindi siya maaaring pumasok sa aggressive sports at mag-ehersisyo ng tama.

Lucky month
Abril at Agosto

Unlucky month
Marso at Enero

Lucky color
Orchid at dimgrey

Lucky number
3 at 23

Read more...