Sam, Jasmine may ibang mga ka-date noong Valentine’s day

jasmine curtis
HIWALAY na ba talaga sina Jasmine Curtis Smith at boyfriend nitong si Sam Concepcion?

Ito ang kumakalat na tsika ngayon sa showbiz dahil hindi nga magkasama ang dalawa noong Araw ng mga Puso.
Base sa Instagram post ng dalawa ay may kanya-kanya silang kasama noong Peb.14, kaibigang babae ang kasama ni Jasmine samantalang si Sam ay nakitang kasama ang mga kaibigan sa isang 5-star hotel.

Pero sabi naman ng isang taong malapit sa dalawa, “Huh? Sila pa rin, alam ko magkasama sila, baka hindi lang pinost ang pictures nilang dalawa? May mga kasama silang kaibigan din.”

Nakakapagtaka kung bakit hindi nag-post ng mga litratong magkasama sina Sam at Jasmine, e, alam naman ng lahat na magkarelasyon sila, ano ang kailangan nilang itago?

Halos lahat kasi ng mga artistang magkakarelasyon ay buong ningning na nag-post ng kani-kanilang date noong Valentine’s day, kaya maraming nagtaka kung bakit hindi magkasama sina Sam at Jasmine last Feb. 14.

Samantala, hindi naman nakitaan ng kalungkutan si Jasmine noong Sabado, Peb. 14 dahil ang saya-saya pa niya sa technical rehearsal ng Move It! Clash of the Streetdancers sa TV5.

Maaga lang daw umalis ang TV host-actress dahil may lakad pa nga raw. Sa madaling salita, hindi pa break sina Jasmine at Sam.

Read more...