Kc takot, ayaw pang pakilala si Paulo kay Gabby

paulo kc concepcion
DEDMA o talagang hindi lang nakikialam si Gabby Concepcion sa lovelife ng kanyang anak na si KC Concepcion?

E, kasi nga, nu’ng makachika ng ilang entertainment reporter si Gabby sa presscon ng pelikulang “Crazy Beautiful You” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, wala itong maibigay na detalye tungkol sa relasyon ni KC sa rumored boyfriend nitong si Paulo Avelino.

Sey ni Gabo sa isang panayam, hindi nila napag-uusapan si Paulo kapag magkasama sila ni KC, “Noong araw pinag-uusapan namin, pero ngayon hindi na.

Siguro nga kasi, sa dami ng nangyayari, kapag pinag-usapan namin, ‘eto na naman tayo.’ Maski naman siya, hindi naman niya inu-open up. But of course, meron akong ideya.”

Feeling naman ng aktor, happy si KC kung anong meron sila ngayon ni Paulo, anito, “Palagi namang masayahin ‘yang batang ‘yan, e. Hindi ko alam how far can she go sa relationship niya.”

Hanggang ngayon pala ay hindi pa sila nagkakausap o nagkikita ng Kapamilya actor – ang paliwanag ni Gabby, “Kasi lately wala namang events na puwede kaming magkita.

Pero ang lagi ko namang sinasabi, kahit sinong makasama niya, ang importante sa akin, mahal niya at nagmamahalan sila, and they will take care of each other.”

Maayos naman daw ang relasyon nila ni KC, pati na rin sa iba pa niyag mga anak, sa katunayan, “lumalabas kami, I invite all my kids out. Nagla-lunch kami, nagdi-dinner, sila-sila lang. Wala naman silang kasama.

Kung minsan napag-uusapan (personal life), pero hindi na in detail. “Iba kasi yung feeling na, that time na nag-uusap kami about their personal, hindi natitiyempong may weight yung pag-uusapan, kaya napupunta sa ibang bagay,” dagdag pa nito.

Pinuri-puri rin ng dating matinee idol ang acting ng kanyang anak at very proud ito sa mga awards na nakukuha ng dalaga, “I think it comes with time talaga.

After all, she’s older than she was five years ago and she learned a little more. I feel good kasi she’s now being herself and yung emotions…yung acting niya, yun, individual yun. Hindi mo maituturo yun, kanya yun.”

Read more...