2015 Forecast ni Master Hanz Cua

chinese horoscope

Ang pagpasok ng 2015 sa kalendaryo ng Chinese New Year sa Enero 19 ay mahalaga para sa maraming Filipino, may lahi mang Chinese o wala.

Sa kalendaryo ng mga Chinese, ngayon ay Year of the Wooden Sheep.

At upang maging masagana ang pagpasok ng Bagong Taon, mahalaga ang pagkakaroon ng bagong enerhiya para makahikayat ng kasaganaan, ayon sa Philippine Feng Shui Expert na si Master Hanz Cua.

Upang maging masagana ang 2015, ini-rerekomenda ni Master Hanz ang general cleaning at cleansing sa loob at labas ng bahay. Ipinapayo rin niya ang pagtatapon ng mga  sirang gamit dahil dinadala umano nito ang tao sa kahirapan.

Dapat ding  isagawa ang paglilinis bago ang New Year, dagdag pa niya. At kapag malinis na, magsindi ng insenso para sa cleansing.Masuwerte rin ang pagsusuot ng pula para sa power at berde para makahikayat ng kayamanan.

Magpagupit din para ma-activate ang Peach Blossom Star of Romance lalo na sa mga  single. Maghanda rin sa media noche gaya ng karne, isda, gulay, prutas at mga cake para sa good luck.

Mas maganda kung merong  12 prutas—isa sa bawat buwan ng taon.Suriin din ang bahay upang masiguro na walang leak ang mga tubo ng tubig at electrical system dahil makaaapekto ito sa suwerte sa iyong bahay.

Ang pagbibigay naman ng ampao ay simbolo ng proteksyon at good luck. Ang mga matatandang Chinese ay nagbibigay ng ampao na may lamang pera upang maproteksyunan ang binibigyan nito laban sa mga multo.

At mag-ingay sa araw ng Bagong Taon para maitaboy ang mga masasamang espiritu. At narito ang dagdag pang pampasuwerte para sa iba’t ibang tao.

RAT
1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008
Ang Rat ay best friend ng Ox. Ang kanyang mga kakampi ay Dragon at Monkey. Dapat naman siyang mag-ingat sa Horse na kanyang kalaban.

Yaman
Madali ang pagpasok ng pera para sa mga taong  ipina-nganak sa taon ng Rat. Pero hindi maaaring magpadalus-dalos sa paglalagak ng pera sa pamumuhunan at pag-aralang muna itong mabuti.

Trabaho
Hindi magi-ging maganda ang taon para lumipat ng trabaho. Dapat ay maging low profile sa trabaho at huwag hayaan na makaalitan ang boss.Stress ang magiging ka-laban ng katawan kaya iwasan ito.

Relasyon
Hindi masuwerte sa pag-ibig ang mga Rat nga-yong taon. Kung mayroon ng sinisinta umiwas sa third party. Kung mag-aaway o magkakaroon ng tampuhan, makabubuti kung reresolbahin ito kaagad upang hindi na lumala pa.

Ang mga single naman ay maaaring makihalubilo sa iba at lumabas-labas para magkaroon ng mga bagong kakilala.

Kalusugan
Pinag-ii-ngat naman ang mga Rat sa biyahe dahil malapit ito sa mga aksidente sa kalsada. Dapat ding mag-ingat dahil mada-ling masugatan.

Maaari rin silang magkaroon ng stomach issues kaya dapat mag-ingat sa mga kinakain.

Lucky Month
Hunyo at Setyembre

Unlucky Month
Agosto at Nobyembre

Lucky Color
Blue at Red

Lucky Number
26, 32 at 68

OX
1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2014
Ang Ox ang best friend ng Rat. Ang kanyang mga kaibigan at kaalyado ay Snake at Rooster. Dapat niyang bantayan ang mga taong ipinanganak sa Year of the Sheep na kanyang kalaban.

Mayroon siyang direct conflict sa animal sign na ito kay Tai Sui, ang god of the year na magdadala ng mara-ming pagsubok nga-yong 2015. Ipinapayo na siya ay maging emotionally prepared.

Yaman
Positibo naman ang wealth luck ng mga Ox sa tulong ng #8 heaven wealth star. Bagamat hindi pera ang magiging malaking problema ng mga Ox dapat ay maghinay-hinay sa paggastos.

Trabaho
Maraming pagsubok naman ang pagdaraanan ng career ng mga Ox. Maaaring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Ox at kanyang boss.

Dapat ding maging mahinahon sa pakikipag- usap sa mga kliyente at huwag aalis sa trabaho o lilipat ng negosyo.

Relasyon
Para sa mga lalaking Ox,mahina ang luck of romance ngayong taon. Ang mga may asawa na ay dapat na maging mapagparaya at maging maintindihin sa kapareha.

Kalusugan
Simulan ang taon sa pamamagitan ng pagsasailalim sa taunang physical exam. Hindi dapat na ipagpaliban pa ang pagpunta sa doktor at dapat ay mag-ingat sa kinakain. Mahalaga rin na makapagehersisyo.

Lucky month
Hunyo at Oktubre

Unlucky month
Agosto at Nobyembre

Lucky color
Dark green at navy blue

Lucky number
32 at 26

TIGER
1926, 1938, 1950, 1962, 1986, 1998, 2010
Ang best friend ng Tiger ay Boar at ang kanyang mga kakampi ay ang Horse at Dog. Ang kanya namang kaaway ay ang Monkey.
Magiging maganda ang taong ito para sa mga Tiger hindi lamang sa kanyang career kundi maging sa kanyang personal na buhay sa tulong ng #6 Heaven Wealth Money.

Ang Heaven Seal star naman ay magdadala sa kanya ng tagumpay sa kanyang mga ginagawa.

Yaman
Marami mang su-werteng darating, kaila-ngan ng Tiger na ma-ging mai-ngat sa paggastos. Dapat niyang matutunan na magtipid u-pang hindi maubos ang kanyang pera.

Trabaho
Ang taon ng Sheep ay magdadala ng malakas na suwerte sa mga Tiger. Ang pagiging matiyaga at dagdag na pressure ay magreresulta sa tagumpay.

Relas-yon
Ang mga single na Tiger ay susu-wertehin nga-yong taon at maaari na niyang makilala ang kanyang special someone. Ang mga may-asawa ay magkakaroon naman ng masayang relasyon.

Kalusugan
Dahil sa stress at pressure maaaring humina ang immune system ng Tiger. Kaya kaila-ngang magpatingin sa doktor.

Lucky month
Marso at Mayo

Unlucky month
Pebrero at Abril

Lucky color
Purple at maroon

Lucky number
9 at 28

RABBIT
1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011
Ang Rabbit ay best friend ng Dog at kaalyado ng Sheep at Boar. Kailangang layuan ng Rabbit ang mga Rooster na kanyang kaaway.

Mayroong makukuhang suwerte mula sa Nobleman Star.  Dahil kaibigan ng Sheep, ang mga Rabbit ay makatatanggap ng tulong upang malagpasan ang mga pagsubok.

Yaman
Magiging masagana ang taong ito para sa mga taong ipinanganak sa Year of the Rabbit. Madaragdagan ang kanilang ipon sa bangko.

Asahan ang pagkakaroon ng salary increase at pagtanggap ng bonus dahil sa magandang trabaho. Mayroon ding suwerte sa ari-arian at stocks pero dapat iwasan ang pagiging sakim.

Trabaho
Dapat pagbutihin ang interpersonal skills sa mga kasama sa trabaho. Sumama sa mga dinner pagkatapos ng trabaho at makihalubilo sa mga kaopisina. Kailangan na maging matibay ang pakikisama sa iba.

Relasyon
Kailangan namang maghinay-hinay sa mga sasabihin upang hindi masaktan ang iyong love partner na ma-aaring magresulta sa pagkasira ng inyong relasyon.

Kalusugan
Ang iyong kalusugan ngayong taon ay hindi gaanong maganda kaya kailangan na magkaroon ng healthy lifestyle.
Dapat mag-ingat sa mga sakit sa sikmura at sa mga kinakain upang hindi masira ang tiyan.

Iwasan din ang mga risky sports upang hindi magkaroon ng malubhang pinsala sa katawan.

Lucky month
Agosto at Oktobre

Unlucky month
Hunyo at Mayo

Lucky color
Yellowgreen at orange

Lucky number
48 at 38

Read more...