James Reid hiyang-hiya, nag-sorry sa mga taga-CDO

james reid

NAG-SORRY na naman si James Reid.

Pagkatapos niyang humingi ng paumanhin sa mga tabloid reporters dahil sa pang-ookray niya sa mga ito, sa mga taga-Cagayan de Oro City naman siya nagkaroon ng problema.

Hindi kasi nakapunta ang binata sa mall show nila ni Nadine Lustre sa Cagayan de Oro noong Linggo kaya abot-langit ang paghingi ng paumanhin ng Kapamilya heartthrob sa lahat ng mga supporters nila sa CDO na umasang makikita silang dalawa ni Nadine na magkasama.

Sa kanyang Twitter account idinaan ni James ang paghingi ng sorry sa lahat ng fans nila ni Nadine na nagpunta sa mall para sa kanilang Valentine show.

Ayon kay James bigla raw siyang nilagnat nu’ng araw na ‘yun kaya hindi na niya nagawang makapunta sa kanilang mall tour. Tanging si Nadine lang ang nag-show para nga sa kanilang “The JaDine Fever Tour” sa nabanggit na probinsiya.

Narito ang kabuuan ng tweet ni James: “I’m sorry I’m not able to go to CDO as you know yesterday was a very busy day and last night I came down with a fever.

“I still have a very busy week ahead of me and I really need this rest I apologize I wasn’t able to go especially to the fans who are expecting me, but I’ll find a way to make it up to you. I hope you enjoy the show. Sorry Guys!”

Read more...