Ganda ng feedback sa guesting ng baby nating si Michael Pangilinan sa ASAP last Sunday. Maliit na part lang naman ang sa kanila nina JM de Guzman, Princess Velasco and Paolo Valenciano dahil most of the part ng “Blank Space” by Taylor Swift ay kinanta ng main artists ng show like KC Concepcion and Billy Crawford but they all shone sa portion nilang iyon.
“Ganda ng boses ni Michael Pangilinan. Very soothing to the ears. Kakaiba ang hagod,” sabi ng isang girl seated next to me na talagang nakatutok sa said production number.
“That’s what we look for in stars – na sa gitna ng grupo ay naa-identify mo ang boses niya dahil kakaiba. Mahusay silang lahat kaya lang Michael attacked it differently, yung boses niya kasi ay bagay na bagay sa kantang iyon at nagkataon namang puwedeng hagurin na very sweet ang dating,” dagdag pa ng girl when I thanked her for the kind words about Michael’s singing.
Siyempre, tumangos na naman ang ilong ng baby Michael natin nang sabihin ko sa kaniya iyon. Hindi siya aware na ganoon ang naging dating ng pagkanta niya sa ASAP.
Sa totoo lang, medyo kabado rin ako for him – kasi nga, baka hindi siya mapansin dahil small portion lang ang kakantahin niya – mga three lines lang yata before they went to chorus altogether.
Pero naitawid na naman ito ni Michael with flying colors. Nakakatuwa na meron palang nakapansin that he was damn good. Ha-hahaha!
After ng ASAP ay tumakbo naman kami sa ASAP Chill-Out sa kabilang studio para kantahin ni Michael ang second song niyang “Pare, Mahal Mo Raw Ako”.
Magkasabay kasi itong dalawang shows na ginaganap tuwing Sunday – para yata sa internet live streaming itong ASAP Chill-Out hosted by Robi Domingo (for me he is the best young male host today, much better than the rest), Bryan Termulo, Jane Oineza and this other funny girl named Alona (correct me if I’m wrong please sa name niya).
Bago isinalang si Michael ay kumanta na siya ng “Thinking Out Loud” sa ASAP Chill-Out kaya bumalik na lang kami after ng ASAP. Ang saya ng Sunday na iyon for Michael dahil naka-guest na siya sa ASAP – his second actually.
The first was nu’ng Himig Handog days. Kaya watch out for more of Michael’s guesting sa ASAP now that buo na ang grupong Harana where he is part of, kasama sina Bryan Santos, Marlo Mortel and Joseph Marco. Malapit na silang i-launch formally kaya wait niyo lang.