Iñigo mas maarte sa katawan kesa kay Piolo

inigo pascual
Tama ang sinabi ni Piolo Pascual na mas banidoso ang kanyang unico hijo na si Iñigo Pascual kesa sa kanya. Very evident ‘to noong humarap sa presscon ng “Crazy Beautiful You” ang young actor with the rest of the cast headed by Kathyrn Bernardo and Daniel Padilla.

Mula ulo hanggang paa, esputing na esputing (pahiram Sec. Francis Pangilinan) si Iñigo, huh! Plantsado ang kanyang buhok. Sakto ang suot niyang leather jacket na tinernuhan ng magarang sapatos.

For this, nais namin batiin ang nangangalaga kay Iñigo especially ang talent management niya na Cornerstone. Magaling nang pumorma, mahusay pang sumagot sa interview.

Natuwa nga kami sa sagot niya sa tanong namin for the whole cast on what was the craziest thing they’ve done in the name of love.   “Ah, wala pa naman siguro ngayon sa girlfriend or anything.

Siguro for my parents, going to the States. Syempre nga, kailangan ko pang mag-aral,” lahad ni Iñigo. Syempre, dahil bata pa nga, limited pa ang experience niya about love.

And yet, nasagot pa rin niya nang matino ang tanong. Maayos din ang sagot ni Iñigo  sa tanong kung bakit niya tinanggap ang role bilang ka-love triangle nina Daniel at Kathryn sa “Crazy Beautiful You” gayung nagbida na siya sa “Relaks It’s Just Pag-ibig.”

“I thought like, it will be a challenge since this will be my third movie po. And it’s my first movie with Star Cinema, something different. Tsaka I think mas maraming pressure sa akin ngayon kesa doon sa ‘Relaks.’

Syempre first movie ko po ‘yung ‘Relaks,’ kaya now I feel like they’re expecting more acting from me.,” paliwanag niya.
Ipapalabas na ang “Crazy Beautiful You” on Feb. 25 sa mga sinehan nationwide.

Read more...