‘Bakit ba ang nanay ni Albie ang putak nang putak?’
IISA ang hinahanap ng lahat sa nangyaring gulo sa pagitan nina Albie Casino at Andi Eigenmann, nasaan na raw ang binata?
Bakit ang ina raw niyang si Gng. Rina Casino ang nagpapa-interview? Bakit hindi ang batang aktor ang lumantad at siyang magkuwento ng mga pangyayari?
“Parang nakakagulat lang, bakit ang mommy ni Albie ang nagpunta sa police station para magpa-blotter?
At bakit siya rin ang panay ang pa-interview?
Nasa’n ba si Albie? Wala ba siyang balls?
Nasa edad na siya, hindi na siya minor, di ba?
Napaka-mama’s boy naman niya?“Bakit si Andi, siya lang mag-isa ang nag-e-explain ng lahat, hindi nakikialam ang mommy (Jaclyn Jose) niya?
Mag-isang hinaharap ni Andi ang gulo niya.
“Nasaan si Albie?
Nagtatago sa saya ng nanay niya?
Nakaka-disappoint naman siya, dapat nga siya ‘yung nagsasalita dahil siya ‘yung agrabyado, e, bakit nagtatago?
E, tama lang pala na hindi sila nagkatuluyan ni Andi, wala pala talaga siyang balls!” ang pahayag ng isang nakausap namin.
Oo nga, kami rin ay nagpapa-set ng interview kay Albie sa mga taong malapit sa kanya, pero ang sagot nila sa amin ay, “Sa Star Magic ka magpaalam, Reggs, sila ang nagma-manage kay Albie.”
Nakakaloka naman, sa pagkakataong ito ba kailangan pang ipaalam sa Star Magic, e, panay na nga ang dakdak ng nanay niya?
Hindi ba tama lang na lumabas na rin si Albie para liwanagin ang mga nangyari dahil dinedenay naman ni Andi na sangkot siya sa pambubugbog sa kanya?
Isa kami sa naunang nagsulat tungkol sa nangyari sa batang aktor dahil naawa talaga kami sa kanya.
E, kung ganito naman na tila nagtatago pa siya, e, baka nga totoong takot siya kay Andi lalo’t may ibinandera ang batang aktres na nakiusap sa kanya ang ex-boyfriend na huwag na huwag siyang papayag na ipa-DNA test si Adrianna Gabrielle dahil itatakwil daw siya ng magulang niya.
Base sa panayam ni kuya Boy Abunda kay Andi sa The Buzz noong Linggo, ayon kay Andi, game raw siya sa DNA testing pero tinawagan daw siya ni Albie Casino.
“He said sorry to me for everything and then told me, no matter what happens, nagmakaawa po siya, ‘Kahit ano ang mangyari, huwag kang papayag na magpa-DNA test kay Mama kasi pag nalaman ni Mama at ni Papa na sa akin siya (baby), idi-disown nila ako. And you know how much I love my family!’ Yun ang sabi niya,” pagtatapat ng aktres.
Dagdag pa ni Andi, “Sa akin naman po, okay lang, sabi ko, ‘Albie, you know, ‘yun lang ang hinihintay ko, na mag-sorry ka, own up to your mistakes.”
“Pero nu’ng nalaman po ni Albie na my parents declined, wala, ganu’n na ulit siya, back to normal, he didn’t talk to me,” dagdag pa ng batang ina.
Ang mensahe naman ni Andi sa mommy ni Albie, “Tita, what did I do to you for me to deserve this? I did nothing.
I never said anything bad at all.
Ngayon po, mommy na rin ako, hindi ko po kinukuwestiyon ang pagpapalaki n’yo kay Albie, pero sana po, inaalam n’yo muna kung tama ba talaga ang ginagawa n’yo o hindi.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
